CHAPTER XXI : the 2nd attempt

155 2 0
                                    

ALLIYAH’s POV  

Kararating ko lang ngayon sa bahay. Pagkapasok ko sa kwarto agad kong tinawagan si Ate Hera.

CALLING

Ate Hera ….

“Bebe? May kailangan ka?”

“Ate samahan mo ‘ko sa Bar. Kakausapin ko si Luke.”

“WHAT? Bebe, maiintindihan ko kung bakit mo gagawin ‘yan kung talagang totoo ‘yung binibintang sa’yo ni Luke pero bebe hindi e. ‘Yaan mo siya isipin kong ano ang gusto niyang isipin. At OO, isang malaking OO. Alam ko lahat tinawagan ako ni Lolo kanina sa class ko at kinwento ang nangyari. ‘Wag ka mag-alala ako, si Ricka, aleck at Tristan lang ang may alam. Si Jun at Jayson walang alam sa nangyari as in sa lahat ng nangyari.”

“Oo na ate. Ok lang lang na malaman nila pero sana sila na ‘yung huling makaka-alam. Pero ate sige na please? Sama natin si Ricka, tayong tatlo lang please Ate? Konting panahon nalang aalis na tayo sa Pilipinas at babalik na tayong Japan gusto kong magkaayos naman kami bago ako umalis ate, kahit hindi na kami bumalik sa dati basta masabi ko lang sa kaniya ang  totoo. Ate please?”

SIGH. “Hay ewan ko sa’yo bebe. Sasama naman talaga ‘ko sa’yo e, bar kaya ‘yun pero nung sinabi mung dahil andun si Luke at kakausapin mo siya nainis ako. Kala ko bobonding tayo eh.”

“Next time Ate. Pwede din naman kayo mag-enjoy dun e pagdating dun kaniya-kaniya tayo. Kayo magsasaya ako kakausapin si Luke.”

“Kahit ‘di mo i-suggest Bebe, ‘yan ang gagawin ko. Ayoko Makita ‘yang ex mo kahit pa-gwapo ‘yun. Reready na kami ok? Pagkabihis namin diretso na kami dun. Kita nalang tayo sa labas. Bye”

Pinatay ko na ‘yung phone. “YES!!” napasigaw ako dahil sa tuwa ako at napapayag ko si Ate.

“Anak andyaan ka na pala. Naghapunan ka na ba? Ipagiinit kitang ulam.” Sabi ni nanay sa labas ng pinto ko.

Binuksan ko ‘yung pinto at lumapit kay nanay.

“Ah opo, Nay kararating ko lang din po. Hindi na po ako kakain, pahinga na lang po kayo. May pupuntahan kami nila Ricka at Ate. Pahinga nalang po kayo. Salamat Nay. Goodnight.“ Sabay halik kay nanay sa pisngi at pumasok na ulit sa pinto.

Dumiretso na ako sa Cr at nag-half bath. Saglit lang. Naghanap ako ng masusuot ko.

“Hindi pa naman nagpapapasok ‘yung Bar nila Jayson ng mga taong pipitsugin ang suot” Naisip ko.

Pumunta ako sa walk-in closet ko at agad naghanap ng dress.

“Ito nalang.”

Kinuha ko ito at sinuot. Tiningnan ko ang hitsura ko at namangha ako sa nakita ko.

“ang ganda ko.” sabi ng isip ko.

Naka-black fitted dress ako na kita kalahati ng hita k.. 2 strapped Dress ito at open ang kalahati ng likod ko. Kitang-kita din ‘yung tattoo ko kaya agad akong humablot ng jacket sa closet ko.

Nag-heels na ako ata agad kinuha ‘yung purse k. Nilagay ko ‘yung maskara ko in Case of Emergency then susi ng kotse. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na ng kotse.

INCOMING CALL

Ate Hera….

“Ate? Andyaan na kayo?”

THE DARK AND THE BLACK ROYALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon