CHAPTER IX : Growing Love Part 2

238 2 0
                                    

Chapter 9 : Growing Love

LUKE’s POV

Nag-discuss yung professor namin for 2 hours at for 2 hours na ‘yun nakatitig lang ako sa kaniya. Kay Ali.

Bakit ganito ako saknya? Mas malala to kesa sa naramdaman ko noon. Nakakatakot ang pakiramdam na ‘to!

“Pssttt! Matutunaw na ‘yan Dark, Hahaha. Mukhang natamaan ka jan ah?” sabay nguso kay Ali ni Bridgette. Bully pa naman ‘tong babaeng ‘to.

Ganda e.” nabigla ako sa sinabi ko. Naku kantyaw na naman ako neto mamaya.

“OK lang ‘yan. Alam kong natatakot ka ng masaktan ulit pero isipin mo din ‘yung mararamdaman mo ‘pag kasama mo siya.” Payo sa ‘kin ni Bridgette.

Nabigla ako sa sinabi niya kala ko kantyaw ang matatamo ko pero payong kaibigan pala. Napatingin ako sa kaniya at nakangiti lang siya nginitian ko lang din siya.

KRINGGGGG!

OK labasan na.

Woaahhhh! 5 pm na pala? Bilis ng oars takte. Nabitin ako sa kakatitig sa kaniya ah? Malala na ako.

Napa-isip ako dun sa sinabi ni Bridgette sa ‘kin kanina. Parang gusto niyang sumugal ako para sa kaligayahan ko. Takte! Kaya ko na ba ulit?

Bigla siyang lumabas agad kasama nung kasama niyang 2 lalaki at isang babae.

Astig talaga ng Black Royals no?

Oo nga e kasu may asungot! Yung Darren Alliyah Merith ba yun?

Darren Alliyah Merit ang name nya a?

Feeling close sa Black Royals. Kainis!

If I know lalandiin lang nun si Duke o d kaya si First..

Astig talaga ni Gab no? ganda talaga ni Black Empress

Darren Alliyah Merit ang name niya. Napa-smirk na naman ako sa naalala ko.

At kung anu-ano pa ang narinig ko. So,sila pala ‘yung  Black Royal Gang? E asaan ‘yung iba? Siguro ibang course ‘yung kinuha o pwede ding ibang section. Pero bakit ganun? ‘Yung Gab daw na ‘yun si Black Empress? Akala ko ba si Ali ‘yun? Bakit may nagpapanggap na siya? Bakit siya nagtatago? Anong meron?

“tara na Dark, may laban pa mamaya ‘yung Shadows. Pinapapunta tayo e. sabi nila kakalabanin daw nila ngayon ‘yung gang na galing Japan. Sa tingin ko ‘yung Black Royal yun, hindi pa siguro nila kilala ‘yung grupo na ‘yun kaya naman mapadalos-dalos sila ng invite. Mga G*go talaga.!” – sabi ni Rei.

Tumango nalang ako dahil alam ko naman na mga baliw ‘yung mga ‘yun. Rank 3 sila dito sa Pilipinas dahil sa mga pakikipaglaban nila na sobrang dumi. Palibhasa sa Gang war wala naming rule na hindi pwedeng makipaglaban ng walang armas o ano mang patibong.

Makalabas na nga din at medyo na-curious ako sa laban ng Shadows sa Black Royal. Kailngan ko din Makita kung may iba ba kay Black Empress sa pakikipaglaban nila mamaya. Umalis na kami at agad pumunta ng parking lot para pumunta sa kanya-kanya naming sasakyan.

Nalagpasan namin sila Ali na mukhang nakikipag-talo kay Jun o Duke ba ‘yun? Hindi ko na sila pinansin pa at lalagpasan ko na sana sila kaso biglang nabalik ang tingin ko nung susuntukin na sana ni Ali si Jun pero pinigilan niya ang sarili niya. Bakit kaya? Ayoko ng mangi-alam pa.

THE DARK AND THE BLACK ROYALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon