ALLIYAH’s POV
Pagkauwi ko ng bahay kagabi diretso agad ako ng kwarto at nag-half bath then nag panty at malaking shirt lang tas bagsak agad.
Naghahanda ako ng sarili ko ngayon dahil may pasok ako ngayon. Pagkatingin ko sa salamin nagulat ako sa mukha ko, LangYa! Pag nakita ako ni Ate Hera nito yari ako.
Agad kong nilagyan ‘yung concealer ‘yung eyebags ko tsaka nagpolbos.
Ayan medyo nalang ‘yung eyebag ko.
Masaya ako ngayon alam niyo kung bakit? Kasi may naisip na akong paraan para makausap si Luke although kinakabahan ako pero sana lang, sana lang talaga kausapin niya na ako.
“Anak almusal ka na! Baba na anak.” Sigaw ni nanay
Agad naman akong bumaba total tapos na din akong magready para sa school pagkababa ko nakangiti sakin si nanay. “Paborito mo ‘yung niluto ko. Ang pagkahirap hirap lutuin na Hotdog at itlog.”
“Hahahahahha. Nanay naman e. Alam nyo naman na paborito ko ‘to kasi ito lang ang alam kong lututin eh inasar pa sa ‘kin. Pero Thank You nay.”
“Welcome anak.”
“Kain ka na din Nay sabay na tayo Nay please?” pagpipilit ko sa kaniya.
“Oo na sige na kukuha lang ako ng plato.”
Kumuha na si Nanay ng plato at umupo sa gilid ko dahil lagi akong nasa gitna ng mesa pag nakain.
“Nay, alam niyo na diba na babalik na tayo next week sa Japan?.” tanong ko kay Nanay habang kumakain kami.
“Oo anak. Nasabihan na ako ng Lola mo tumawag sa ‘kin nung isang araw.”
“Nagkita na ba kayo ng pamilya mo Nay? Gusto ko sana sila ma-meet Nay bago tayo umalis.”
“Sige anak, kaso mukha ka naming bz anak!”
“Pasensya nap o Nanay ah? Kung uuwi po tayo ng maaga ng dahil sa akin. Pero Nay pwede naman po kayong sumunod nalang samin sa Japan at ditto muna mag-stay sa iIlipinas ng ilang lingo o buwan.” Nakangiti kong sabi kay nanay.
“Naku anak ‘wag na. baka hindi na ako maka-alis pa kapag nagtagal ako ditto. Baka hindi na ako pakawalan ng asawa at anak ko.” Sagot ni Nanay sa akin.
Nalungkot naman ako bigla. Nang dahil sa akin, pati kaligayahan ni Nanay nahahadlangan ko pa! hindi ko na pinush ‘yung topic na’yun ulit kay Nanay.
Balang-araw, papauwiin ko din ditto sa Nanay para magbakasyon at makasama ang pamilya niya pero hindi muna siguro ngayon. Mas kailangan ko pa siya!
Maya-maya tapos na ako kumain. “Nay tapos na po ako.” Tumango lang si nanay kaya kumaripas nalang ako ng takbo sa kwarto para mag tooth brush.
Pagkatapos mag-tooth brush hinablot ko na ‘yung bag ko saka dumretso sa sasakyan. Nagmamadali na ako kaya sinigawan ko nalang si nanay na aalis na ako.
Habang nasa sasakyan ako hindi ko maiwasang kagatin ang kuko dahil sa kaba. Oo, kinakabahan ako dahil baka magalit sakin si Luke sa gagawin ko. Gusto ko lang naman siyang makausap e. Nangako ako kagabi sa tabing-dagat na gagawin ko ang lahat para lang pakinggan ako ni Luke at ito ‘yung naisip kong paraan. Bahala na mapahiya!
Nakarating ako sa school at hinintay sa Gate si Luke. Ilang minuto na din pero wala pa ding Luke na nadating. 2 minutes nalang mag-bebell na at magsisimula na ‘yung klase. Maya-maya pa….
BINABASA MO ANG
THE DARK AND THE BLACK ROYALS
Fiksi Remajajust finished editing and revising.. :) please read.. sorry naman po kkung you find it very lame and corny.. hindi po kasi ako marunong mag match ups ng mga dialogues.. enjoy..