ALLIYAH’s POV
CONTINUATION..
“Oo ok lang ako.” Sagot ko kay Dustin pero kay Luke ako nakatingin.
“SH*T! Boss si Black Empress ‘yung kinalaban natin Boss. Yari tayo nito!” sabi nung kasama nung Leader ata nila at agad na kumaripas ng takbo.
Nagkatitigan kami ni Luke gang sa naramdaman ko ‘yung kirot sa likod ko at napangiwi. Lumayo ako sa kanoya ng konti. Dumistansya ako sa kanoya at umatras.
Inabot ng kaliwa kong kamay yung kutsilyong nakabaon sa kanang balikat ko. Nanginginig ‘yung kamay ko habang inaabot ‘yung kutsilyo at nung naabot ko na ito hinigpitan ko ang kapit dito huminga ako ng malalim at tinanggal ito ng biglaan.
Nahirapan ako ng konti dahil sa lalim ng pagkakabaon nito sa balikat ko kaya habang tinatanggal ko ito sa katawan ko napapangiwi ako. Ngayon lang ulit ako nagkasugat ng ganito.
TING!!!!
( ehehehe hindi ko alam yung tunog e )
Tunog ng kutsilyo na nahulo sa sahig.
Natanggal ko na siya tumutulo ‘yung dugo ko sa damit ko. Ramdam ko to dahil sa mainit na likidong nadaloy sa balat ko at dahil sa nakasando lang ako kitang-kita ‘yung sugat ko.
Tinanggal ko ‘yung Jacket na nakatali sa tiyan ko at itinakip sa katawan ko para hindi Makita ng ibang taong may sugat ako.
“May susunod ba sa inyo? “ tanong ko kay Dustin na naka o.O lang sakin.
“HOY! Tinatanong kita kung may susundo sa inyo! “ kumirot na man ‘yung sugat ko sa tiyan ko. Napadura na naman ako ng dugo.
“A-ali ok ka lang ba talaga ?” nagaalalang tanong ni Dustin sa’kin.
“Umuwi na kayo Dustin baka balikan pa tayo nung mga nakalaban niyo.” Sabay talikod sa kanila.
COUGH! COUGH!
Napalingon ako dahil kilala ko kung sino ‘yung umubo. Lumapit ako sa kanila para itanong kung ok lang siya? Lumapit lang ako hah? Pero hindi ko siya hinawakan.
“Ok lang ba sya?” tanong ko kay Dustin.
“Ikaw ang dapat tinatanong Ali at hindi siya. Bugbog lang ang natamo niya samantalang ikaw saksak.” Sabi ni Dustin habang may dina-dial sa cp nya at naka-akbay kay Luke.
“Pssh. “ sabi ko na lang sa kaniya sabay talikod at pinulot ‘yung kutsilyo na tinapon ko kanina. Naglalakad ako ngayon sa bench na inupuan ko kanina, medyo may kalayuan ito sa pwesto nila Luke. Hindi ko na siya pinansin pa dahil mukha naman siyang walang paki-alam sa’kin.
Nag-iinit na naman ang gilid ng mga mata ko.
Pagkarating ko sa bench tumingala muna ako at kumurapkurap para hindi matuloy ‘yung pagpatak ng luha ko.
Mas masakit.
Mas masakit pa din ‘yung nararamdaman ko ngayon kesa sa mga sugat na natamo ko ngayong gabi. Grabee! Hindi man lang siya nagpasalamat. Ganun na ba siya katigas ngayon dahil lang sa hawak nyang Impormasyon? Impormasyong walang katotohanan?
BINABASA MO ANG
THE DARK AND THE BLACK ROYALS
Ficção Adolescentejust finished editing and revising.. :) please read.. sorry naman po kkung you find it very lame and corny.. hindi po kasi ako marunong mag match ups ng mga dialogues.. enjoy..