Chapter 7 - Moving On

157 3 0
                                    

Tricia's POV

Matapos ang 'Happy 25' na eksena, napagisipan kong mag move on.

Kaya mo Tricia?

Oo, siguro kaya ko naman. Sus, lalaki lang naman yan. Swerte niya ah. Kauna-unahang lalaking iniyakan ko.

"Magmomove on na ko." sabi ko sa pinsan kong si Chesca. "Sure ka na ba diyan? mamaya may silent cry cry ka na naman sa gabi." tumawa siya at the thought. "Naririnig ko yun. Wag kang magalala. Safe ang secrets natin." tuloy niya.

Nandito ako ngayon sa bahay paalis na rin naman kami.

Papunta kaming Baguio ngayon.

Duh?

Where do broken hearts go?

"Bye Chesca! Magmomove on na lang ako sa Baguio! HAHAHAHA."

we waved goodbyes at nagchat sa bestfriend ko.

"B! Punta na kaming Baguio ha? Paguwi ko nakamove on na ko."

Well. I hope.

"Ingat dun B! ehehe."

"Papasalubungan nalang kitang strawberries! HAHAHA love you!" HAHAHAHA. I know how much she hates strawberries. Oh well!

"Yuck B! Kahit walang pasalubong okay na!"

"Okay sureeee HAHAHA Bye na!"

Iniwan ko yung cellphone ko instead dinala ko yung Ipad ko with me. Para walang net.

Galing HAHAHAHAHA.

On the way na kami. Nandito na kami sa Marcos Highway.

Napagisipan kong gumawa ng sulat.

"Hi Baby! Kamusta ka na? Okay ka lang ba? Miss na kita. Kailan ka babalik? Uwi ka na please? Hay. Papunta akong Baguio ngayon. Susubukan kong magmove on. Susubukan kong kalimutan ka. Susubukan kong iwan lahat sa Baguio. Magpapakasaya muna ako ha? Namiss ko na kasing tumawa at maging masaya. Yung totoong saya. Simula ng umalis ka sa buhay ko, nawalan na ng kahulugan ang salitang 'masaya'. Miss na miss na kita. Pero hindi ako gagawa ng paraan para bumalik ka sakin kasi eto yung pinili mo. Pinili mo ng maging malaya at makasama siya. Bestfriend ko siya, alam kong alam mo yun. Pero bakit siya pa?  Bakit ang bilis sayong kalimutan ako? Marami akong tanong na gustong itaning sayo. Pero kung iisa-isahin ko, hindi ko na alam kung papaano, at kung kakayanin ko. Magiingat ka palagi ha? Mahal na mahal kita. Ikaw muna ang last ko. Hindi pa ako handang palitan ka. Magiingat ka Blindman, you'll always be my moon. -K "

Naiiyak ako. Naiiyak na naman ako.

Kaya ko to.

Malakas ako eh.

Para san pa't naging si Tricia ako kung hindi ako malakas?

"Tara kain muna tayo" sabi ni Tito kaya bumaba kami sa isang sari-sari store at bumili lang ng kung anu-ano.

"Ate isang Piattos na green po tska Sprite." sabi ko kay ate na nagbebenta.

"Nakakabusog ba yan?" lolo asked me.

Huh?

*flashback*

"Kuya! hindi mo ako nilibre nung birthday mo! Gusto ko ng Piattos na green at siomai. Pleaaaseeee" last day ngayon at hindi parin niya ako nalilibre ng birthday niya.

Kuya. Neil is my Kuya. Grade 7 kami ngayon. Kuya ko siya kasi ahead siya sakin ng dalawang taon. Nagstop kasi siya nung elem kasi tinamad pumasok. Ngayon naman alien na. Sobrang talino.

"Hoy tulala ka na naman diyan!" sabi ni Melanie.

Eto si Melanie. Bestfriend ko. Fan din siya. Parang ako. Kaya kami magkasundo. Madakdak nga lang.

"Weirdo ka ba?!" sigaw na naman niya. "Hindi ako bingi Melanie! Punyatera ang ingay mo!"

nagpeace sign siya sakin sabay "Ehehe sorry na. Oh ayan na kuya mo! magsama kayo!"

Sabay pinagtulakan ako kay Kuya Neil.

"Hindi healty and Piattos at hindi to nakakabusog. Kumain ka muna neto." sabi niya sabay abot ng oreo at nung siomai. "Then eat this after. Oh! Eto yung smart C mong yellow! Magmukha ka sanang lemon!" sabay bato saking bote ng Smart C.

Ugh. Kuya so caring. Clingyyyy!

*end of flashback*

Umiling iling ako para mawala yung mga pesteng flashback sa ulo ko.

"Tricia magmomove on ka diba?! Wag mo ng alalahanin!"

"Punyeta Triciaaaa tama naaaaa!!!" sinampal sampal ko yung sarili ko para magising ako sa katotohanan.

"Iniwan ka na niya. Move on na." pinunasahan ko yung mata ko.

Ano bang bago. Takail mga luha ko eh.

Pagkarating namin sa bahay sa Baguio, nagpahinga na ko at kumain. Dumiretso akosa kwarto kasama si Ate Diane.

"Kamusta ka na Tricia?" sabi niya sakin habng inaayos yung kamang pagtutulugan namin. "Okay lang ako ate." Ate.. he used to call me ate. "Ugh!" sinampal ko ulit yung sarili ko. "Huy okay ka lang ba?" ay shet haha oo nga pala may tao.

"Opo. Okay lang po. Uhm magpapahinga na po ako ha? Bukas na lang po tayo magkwentuhan." sabi ko kay Ate tapos tumalikod ako sa kanya. Nakaharap ako sa bintana. Tanaw na tanaw ko yung buwan, at mga stars.

"Hi moon" I blurrted out. "Long time no see." Nararamdaman kong namumuo na yung luha sa mata ko. "Namiss kita ha?" Hanggang sa tumulo na yung luha sa mata ko. Sinilip ko muna si Ate kung tulog na. Okay positive. "Magpapahinga na ko moon. Pagod na eh. See you again soon." I smiled.

My moon. A guy who changed my life to a better one. Isang moon na dumating sa madilim kong mundo para bigyan ako ng liwanag. Isang moon na nakapagpabago sa buhay ko. Pero syempre dapat matapos ang gabi. Pero hindi ko akalang matatapos na pala ang papel ng buwan sa buhay ko.

I miss you my moon. I can't wait until sunset.

~

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon