Tricia's POV
Today's a new day. Nandito ako sa classroom nila Crishelle. Nakatambay kaming magkakaibigan dito. Kumakain.
"Eto umagang umaga kumakain kayo!" sabi ko.
"Tricia gusto mong nutella? Eto oh." sabi sakin ni Clarisse sabay abot ng gardenia na may nutella.
"Uy thank youuuu!!! Gahd heaven to!!"
"Umagang umaga kumakain ka!" ginaya ako ni Bea na kumakain ng fries.
Nagdaldalan lang kami ng nagdadaldalan.
"Late na ba ko?" sabi ni Mitch.
"Nah. Just in time. Tara na chapel na tayo." sabi ni Angela.
Palabas na kami ng pinto ng...
"Tricia gusto mong brownies?" alok ni Mitch sakin.
"Ayoko. Thank you hahaha masyadong matamis yan. Nakakadiabetes." sabi ko.
Tumawa naman silang lahat.
Pero nagulat ako sa nakita ko.
Neil...
Binigyan ni Neil si Melanie ng brownies.
Damn it Tricia, mahiya ka naman.
"Shit." I cuss.
Madadaanan kasi namin yung room nila after ng room nila Crishelle at bago mag room namin.
Hanggang sa makarating kami ng chapel...
"Bruh, iisipin nila nagpaparinig ka!" sabi ni Clarisse habang tumatawa.
"Di ko na kasalanan yun." I smirked.
Maldita hays.
Pumasok na kami sa chapel at nagjenuflect. (idk if tama spelling)
"Lord, Thank you po sa panibagong araw na ibiniay niyo para po sakin. Thank you rin po kasi magkakasama kami ngayon. Lord? Kayo na pong bahala sakanya ha? Gusto ko lang naman po ay sumaya siya. Lord, i-grant niyo rin po sana yung mga wishes ni Melanie kasi kahit po papaano naging kaibigan ko rin naman po siya. Lord sorry po kung masyado akong maldita ha? Inaatake lang po talaga ako minsan. Kayo na pong bahala samin Lord. Thank you po. I love you po."
Bago magtime umakyat na kami kaagad.
Nasa floor na namin kami ng makita ko Neil na may hawak na box na malaki at si Melanie naman, mangiyak ngiyak pa.
"Surprise Tricia. Ikaw ba dapat ang isusurprise nila?" sabi ko sa sarili ko.
I'm with Crishelle. Hinatak ko siya paakyat sa locker ko, hindi ako bumaba hangga't hindi nag-7 para sure na wala na sila.
"Baba na tayo please. Baka mapagalitan ako eh." sabi ni Crishelle.
"Sige mauna ka na." I smiled. "May kukunin lang ako. Bababa narin naman ako." sabi ko.
"De sige dali hantayin nalang kita." sabi niya.
"Bruuuuh. Wala na yan!" hinatak ako ni Crishelle pababa.
Nagmadali akong tumakbo sa likod na pinto.
Nahawakan ko na yung doorknob ng biglang may humawak sa kamay ko.
"Ah sorry." sabi niya sabay minadali kong tanggalin yung kamay ko.
"Sorry. I didn't mean to---" Ay bastusan.
Pinagbuksan niya ako ng pinto.
Woah?
"Thank you." sabi ko nalang sakanya.
"Aba aba ano na namang pinto scenario yan ha?" sabi ni Janella pagkaupo ko.
"Ah ehehe ewan." sabi ko nalang habang nagaayos ako ng gamit.
"Binati mo na ba si Me---" hindi niya natuloy yung sasabihin niya kasi biglang dumaan si Neil.
"Hindi pa. Wag na HAHAHAHA kailangan ba?" sabi ko.
"Joke. Binati ko na sa twitter kahapon. Like duh. Wala ngang thank you e. Sad diba?"
Hahaha binati ko kasi siya eh. Eh hindi man lang mag-thank you.
Meh. Bahala na siya sa buhay niya.
~
BINABASA MO ANG
Letting Go
RandomLetting go means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a part of your destiny.