Tricia's POV
"NANANAHIMIK NA KO AH! Peste!" pano ba naman. Pinipeste na naman ako nung mga kabarkada ni Melanie.
"@shellrichelle: MUKHA KANG MULTO! HAHAHAH"
"@shellrichelle: mukha kang palaka!"
Like WTF ?! Anong ginawa ko sayo?
Nung sagutin naman ni Angela ng indirect tweet ang sabi naman sinasalo namin?
Lesson? Wag ka ng magparinig kung stupid lang rin yung paparinggan niyo.
"Inaano mo ba sila? HAHAHAHA." sabi ni Clarisse.
"@shellrichelle: mas mukha kang bangkay."
Oh bruh. Guess what? Magkamukha tayo.
"Kung bangkay ako, siya ano? naaagnas na? HAHAHA." Sabi ni Bea.
Photoshoot kasi namin for the pageant today at nakaayos kami. I'm wearing a stripe skirt and a bandage crop top na off shoulder. Bea's wearing a white top at long back na skirt.
Inaasar kasi namin si Bea na mukhang patay at halatang natawa sila.
"Bruh I'm a frog! KOKAK!" I laugh at the thought. Err kokak! kokak!
Isa pang rason bakit sila ganyan kasi...
*flashback*
"ANG GANDA MO TRICIAAAAA" sabi ni Crishelle nung nakita niya akong nakaayos.
Nahihirapan akong maglakad. Yes, nakaheels kasi ako. Eh yun yung requirement namin e. Kailangan 4 inches yung heels. Kahit sa pageant.
"You look like a princess Tricia!!! OMYGOD!" sigaw naman ni Angela.
"Dapat makita ka ni Neil!!!" sabi naman ni Danielle.
Oh gahd. Hindi ko gusto yang suggestion mo. Nagsalubong yung kilay ko.
"He should see you!!! Tapos sabihin mo 'Hi, Ako nga pala yung sinayang mo' diba? HAHAHAHA Pak!" kabog na kabog na sabi ni Clarisse.
"Halika! Baba na tayo! Halika! Ipapakita kita sakanya! Daliiii!" hinatak niya ko pababa ng hagdan.
"Tekaaa! Nakaheels pa ko!!!" sabi ko kay Angela at Clarisse.
Hinatak hatak nila ako pababa hanggang sa makita ako ni Neil.
Sa sobrang ka-clumsyhan ko...
"I told you to be careful. Please? Magingat ka naman." Why?
Natapilok ako. AND ANG MASAMA DUN, si Neil pa ang sumalo sakin.
Bakit ikaw na naman?
Bakit sa tuwing nahuhulog ako, ikaw ang sumasalo at ang mahirap pa dun? Iniiwan mo rin ako.
"A-ah hehe t-thank you ha." I said.
Nakita ko naman sobrang talas ng tingin sakin ni Melanie.
If looks could kill, patay na ko ngayon.
"O sige. Magiingat ka ha? and uhm by the way. Ang ganda mo."
WHAT?!
OMGEEEEEEE. Okay! HAHAHAHA.
NO NO NO THIS CAN'T BE.
Woooh.
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
"S-salamat." WTH BAT KA NAUUTAL TRICIA!
Naglakad na siya paalis.
Ng may dumating na kontra-bida.
"Hay. Hindi ka maganda. You look like a froggy." sabi ni Richelle.
"A beautiful froggy. Ehehe kokak!" and then I leaped paalis sa kanila.
HAHAHAAHA. Dapat nakita niyo reaction nila! Priceless! HAHAHA.
*end of flashback*
"Hoy froggy bilisan mo na!!" Inaayos ko kasi yung mga gamit ko, at halatang nagmamadali na sila umuwi.
"Pero back to the topic, hayaan mo nalang sila. Wala naman silang mapapala sayo, at wala ka ding mapapala sakanila." sabi ni Clarisse.
"Nasa taas ka na Tricia, wag mo ng ibaba yung sarili mo." sabi ni Crishelle.
"Right kokak! May tama sila!" sabi naman ni Bea.
Oh ngayon isa na ho akong ganap na palaka. I'm a froggy now. NYEHEHE
BINABASA MO ANG
Letting Go
RandomLetting go means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a part of your destiny.