Tricia's POV
Today is December 28. Two days ago, nagusap kami ni Neil. Two days ago, nabigyan na ng closure ang lahat ng namamagitan samin.
Nangako ako sakanya na kakausapin ko si Melanie before year ends
Gusto niyang ayusin namin lahat ng meron kami.
Ugh. Okay.
So eto ako ngayon...
December 28, 12:43 am
Tricia Elizalde: Yo yo! Usap tayo before year ends. Thank you.
Melanie Cruz: Sure.
December 29, 1:34 pm
Tricia Elizalde: Sorry and thank you. Una. sorry kasi pinagdudahan ko kayo. bestfriend kita, hindi ko dapat ginawa yun, pero nagawa ko. ewan ko. sorry kasi akala ko meron talaga. my friends told me na meron, naniwala agad ako. i should've asked you first. pero hindi ko nagawa kasi natakot ako sa magiging sagot mo, niyo. sorry kung nagbago na ko. kung wala na akong oras para maging bestfriend mo. hindi ko kaya eh. marami akong kaagaw. alam mo yun? no use na yung pagiging bestfriend ko sayo. thank you kasi nandiyan ka pa din para sakin. thank you kasi ikaw parin yung bestfriend ko na pwede ko maging kasama sa lahat. thank you kasi nandyan ka para pasayahin yung bestfriend mo ring isa. ginagawa ko to hindi dahil napagusapan namin na ayusin lahat. ginagawa ko to para sa sarili ko. para sayo. para sakanya. madrama ba? hahaha. tinutuloy tuloy ko na ha? nakakatakot ka din kasi magalit. melanie? before year ends sana magkaayos na tayo. mahirap kasi dalin to next year. sorry and thank you. yun lang.
Melanie Cruz: pinagdududahan mo ko? HAHAHAHAHAHAHAHA NAKAKATAWA KA. ofc alam ko yun. knowing you? hindi na ako magugulat dun. hindi ko kayo maintindihan kung bakit hindi maintindihan kapag sinasabi namin "mag kaibigan lang kami hanggang dun lang yun." pero well naiintindihan ko naman kasi alam mo yun? yung paniniwalaan mo/niyo yung kung ano yung gusto niyo lang paniwalaan. uso magtanong muna. wala namang bayad yun. kung nagtanong ka sana sa akin or sa kanya bago sa mga kaibigan mo, edi sana nalaman mo kung ano yung totoo. hindi ko sinasabi na hindi sila nagsasabi ng totoo, ang sinasabi ko lang kung ano talaga yung tama. ayos lang naman sa akin kung hindi ka nagiging best friend sa akin. kasi alam mo kung bakit? andyan yung totoo kong best friend. si richelle at si neil. im not saying na hindi ka totoo. ang ibig ko lang sabihin is, hindi nila ako iniwan andyan sila pareho. ikaw? andun kasama yung iba. yung iba na pinaparinggan ako. masakit oo. kasi may pinagsamahan tayo kahit papaano. tapos magugulat nalang ako, pinaparinggan na ako? pero tama ka. no use yung pagiging best friend mo sa akin. hindi na ako yung kilala mo tricia. hindi na ako yung taong andito palagi para sayo. natuto na ako. naaabuso ako eh. bakit ka nagpapasalamat sa akin kasi andito ako para sa isa kong best friend? hindi mo kailangan mag thank you kasi as a best friend ganun naman talaga ang ginagawa ko at alam ko yung limitasyon ko kasi best friend lang ako.
Tricia Elizalde: okay na melanie. okay na. gusto kita kausapin before year ends. para matigil ko na lahat. sorry kung pinaringgan ka nila, namin. wala naman akong magagawa eh. sorry lang. uhm yun lang, melanie? tigil na natin to ha? tutal wala ring patutunguhan eh. yun lang. thank you sa lahat. bye
Melanie Cruz: itigil na natin? ituloy na natin to tricia. nasimulan na diba. mag usap na tayo ngayon para matapos na.
Tricia Elizalde: yung pagiging bestfriend mo sakin at pagiging bestfriend ko sayo. hindi tong usapan natin.
BINABASA MO ANG
Letting Go
RandomLetting go means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a part of your destiny.