Tricia's POV
Ilang araw nalang recognition day na ng mga medalists at mga may extra chuchu. Ganern!
"Ayan! Hindi ka na kasama sa top! Puro ka kasi lakwatsa!" sabi sakin ni Lola.
Dito muna ako nakatira.
Gaya nga ng sabi ko sainyo, magfa-file si Mommy ng divorce paper.
Bruh?
"Mahirap La, hini naman kasi ganun kadali yun." sabi ko kay Lola. Mahirap kasi i-explain e. Mahirap kumuha ng awards, no, actually madaling maghakot ng awards if yung grading system niya is same sa dati kong school.
Dito kasi kailangan lahat ng subject walang bababa sa 85. SA BUONG SCHOOL YEAR!
"Alam ko namang matapang ka apo. Kaya mo yan. Kung tutuusin chicken lang sayo yang problema mo ngayon." sabi sakin ni Lola.
Siguro nga kaya ko.
"Oy Tricia tara na! Alis na tayo!" sigaw sakin ni Tita Kit.
Papunta kasi kaming La Union ngayon. Sa resort namin. Antagal na rin kasi nung huli kaming dumalaw dun. So yun nga, napagpasyahan namin na dito mag-holy week.
Sobrang traffic!!!
Wala nang dating pagtingin
Sawa na ba saking lambing
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla na lang nang iwan? ...Wow nice. Gandang tugtugan sa taginit + matinding traffic sa NLEX.
Di na alam ang gagawin
Upang ika'y magbalik sa'kin
Ginawa ko naman ang lahat
Bakit bigla na lang naghanap? ...Hi! Antagal na pala nating di nagkikita noh? antagal na rin nating hidi nagkausap. Ano na bang balita sayo? Okay ka pa ba? Kaya mo pa ba? Pagod ka na? Alam mo ba? Miss na miss na kita. Anim na buwan? Biruin mo yun? Sa loob ng anim na buwan.. wala paring nagbabago. Mahal parin kita. Pero, bakit ganun? Sa tuwing makikita kita, sa tuwing maguusap tayo, hindi ko na nararamdaman yung mga paru-parong nagwawala sa tiyan ko.
Hindi magbabago
Pagmamahal sa iyo
Sana'y pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito...Namimiss ko na yun. Yung ma feeling na parang nasa cloud nine ka, yung feeling na di ka makatulog kasi iniisip mo siya. Namiss ko yung tayo. Yung go with the flow lang, yung boyfriend kita, girlfriend mo ko, yung parang magbestfriend pero tayo. Yung mga i love you's mo, mga kalokohan natin. Mga bagay na naging memories natin.
Tulad ng mundong hindi
Tumitigil sa pag-ikot
Pag ibig di mapapagod...Kung papipiliin ako, kung ano yung 16th birthday wish ko, gusto kong bumalik. Bumalik sayo. Bumalik sa tayo. Hindi para maging tayo ulit. Kundi para napaghandaan ko, yung pagalis mo. Magulo eh. Magulo yung nararamdaman ko para sayo. Oo, mahal parin kita, mahal na mahal pa nga e. Pero alam mo yun? wala na kong nararamdaman. Magbabakasyon ako, one week. I-uuwind ko yung sarili ko. Sabi ko naman sayo diba? Gagawin ko lahat para mawala yung nararamdaman ko, ngayong nagawa ko na, ngayon susubukan ko ng kalimutan yung pagmamahal ko sayo.
Tulad ng ilog na hindi
Tumitigil sa pag agos
Pag ibig di matatapos...Hindi ko alam kung makakaya ko, pero wala namang imposible diba? nagawa ko nga yung una eh. Sisimulan ko ng mabuhay bilang bagong ako. Yung hindi mahal ang isang tulad mo. I hope masaya ka sakanya, kasi yun lang naman yung gusto kong makita. Yung mahal niyo yung isa't isa. Na kahit ideny niyo, halatang masaya kayo at dun palang, masaya na rin ako. Wag kang magalala, kaya ko to.
Pag-ibig di matatapos...
Congratulations in advance. Ako ang unang nakaalam niyan. Sobrang proud ako sayo. Hanggang sa muli Mahal.
I smiled pagtapos tiniklop ko yung papel para gawing eroplano.
Pinaglaruan ko yun na parang bata sa loob ng kotse.
"Makakarating rin sayo to."
I smiled again.
Miss na miss na kita...
"You made me proud again. Congratulations Love! You did it again."
~
BINABASA MO ANG
Letting Go
RandomLetting go means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a part of your destiny.