Tricia's POV
Nakakabaliw mag-isa.
Proven and tested ko nayan. May mga bagay nalang na biglang sasagi sa isip mo. Mga salitang namimiss mo, mga panahong nagmamahalan pa kayo.
Mababaliw ka nalang kakaisip na "Kamusta na kaya siya?" "Okay lang ba siya?" "Masaya kaya siya?" "Ano kayang ginagawa niya ngayon?"
At eto ako, nababaliw na naman kakaisip sakanya.
"Congratulations Blindman. Siguro sa panahong to' nagcecelebrate ka na kasi ikaw na naman ang top one."
I laughed.
"Sa tingin mo sasagot siya?" Sabi ko sa sarili ko.
"Asa ka naman." I smiled fakely.
"Kailan ka ba ngingiti ng totoo Tricia? Hindi ka pa ba napapagod magkunwaring masaya?"
"Tricia please.... tama na muna."
"Mapagod ka naman."
Nandito ako.
Nakaupo sa buhangin.
Naghihintay ng sunset. Naghihintay sa pagtatapos ng araw at sa pagbabalik ng buwan.
Ikaw moon? Kailan ka babalik?
Tinapos ko na nga pala ang kwento nating dalawa.
Ang kwento ng araw at buwan.
"Neil...."
bulong ko sa hangin.
I smiled. A tear fell from my eye.
No, not again.
"Mahal na mahal na mahal kita."
Sinimulan kong hakutin laht ng mga sulat na isinulat ko para sakanya. Ma sulat na kahit kailan, mananatiling sulat na lamang. Mga sulat na hindi na makakarating sakanya.
"Hindi na kita hahantayin."
"Hindi ko na hahantayin yung pagbabalik mo."
"Panahon na ba talaga?"
"Panahon na ba para mapagod talaga ako?"
"Papakawalan na kita."
I told myself.
I cried my heart out. Again.
*flashback*
He kissed my forehead.
"Magiingat ka ha? Papakasalan pa kita."
He smiled at me.
"Kung pwede lang kitang yakapin araw araw at hindi na pakawalan ginawa ko na."
He hugged me tight.
*end of flashback*
Ang swerte ko nga naman sayo no?
Ang swerte ko kasi minahal ako ng isang tulad mo.
Minahal ako ng lalaking pinapangarap ng lahat.
*flashback*
"Wag kang mag-alala. Sayong sayo lang ako okay?" he smiled at me.
"I love you." sabi niya sakin while looking into my eyes.
*end of flashback*
Nakakabaliw mag-isa.
Nakakabaliw ang walang kausap.
Nakakabaliw isipin ka.
*flashback*
"Mahal na mahal na mahal na mahal kita okay?"
He smiled at me once again.
"Maniwala ka sakin ha? Hinding hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita Panget!" sabi niya sakin.
*end of flashback*
Asan na yun?
Asan na yung hindi mo ako iiwan?
Asan na yung pangako mo?
"Nakakabaliw. Ayoko na." sabi ko.
Kinolekta ko lahat ng mga sulat ko para sakanya.
Kasabay ng paglubog ng araw... kasabay ring inaalon ang mga sulat ko.
Mababasa mo rin yan mahal.
Hirap na hirap na rin kasi ako.
Siguro panahon na talaga para i-let go ko na siya.
In another life my love, sabay nating babasahin to lahat.
I smiled.
Kasabay ng alon ang unti-unting pagpapalaya ko para sayo.
Tandaan mo Mahal. Ikaw lang, walang iba. Ikaw parin. Mula noon, hanggang ngayon.
Mahal na mahal kita.
Now, I'm officially letting you go.
~
BINABASA MO ANG
Letting Go
RandomLetting go means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a part of your destiny.