Chapter 24 - Blindman

104 4 0
                                    

Tricia's POV

March 1

"Tricia tanghali na! Late ka na!" ginising ako ng Lolo ko. Nandito kasi ako sakanila nayon.

Tanghali? Lunch na? I'm hungrrrryyyy.

"Late ka na sa school mo!! 6:00 na!!" sabi niya.

Napabangon ako bigla.

"Awww" nahulog kasi ako sa kama.

"Bilisan mo. Unang araw na unang araw late ka." sabi niya.

Nagmadali akong maligo.

Sht. Walang driver ngayon. Ugh commute.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako at kinuha yung mga gamit ko.

"Byeeeeee."

Sumakay na ko ng jeep at nag trike papuntang school.

"P*tangina! TUMAWAG KA NG BARANGAY!" sabi nung lalaki.

"Ano bang ginawa ko?" nanginginig na sagot ng tricycle driver.

"BUMABA KA!! halika kukunan kita ng picture!" sabi nung nagmomotor na nabangga daw.

"Wala naman akong kasalanan eh. Ayoko. May studyante pa akong sakay oh." WTF WHY ARE THEY SHOUTING.

"Tanong mo pa yung sakay ko." sabi ni Kuyang Tricycle driver

Punyeta bat ako?!

7:10

FVCK LATE NA KO!!!

"MAGPAPAPICTURE KA LANG KUYA! LATE NA KO!" sabi ko.

"Hija dito ka na. Ako na maghahatid sayo." offer ni kuya na isang tricycle driver din na minsan kong nasakyan.

At sa awa ng diyos dumating kami sa school.

Late na ko. 7:30 na.

Anong meron sa March 1 at puro kamalasan. Una late akong nagising. Pangalawa nabangga yung sinasakyan kong tricycle. Pangatlo, late na ko sa klase ko.

"Damn you March 1!!! Ano bang meron sayo?" bulong ko.

Nang makaakyat ako sa classroom napansin kong maingay.

Yes wala pang teacher!!

"Di mo ba babatiin bebe mo?" sabi sakin ni Janella.

Huh?

"Tricia may pagkain ka ba diyan?" tanong sakin ni Michelle. Ganoto kami palagi unang period palang kakain na.

"Neil!!!" sigaw ni Carly.

Kahit kailan snob talaga to eh. Di man lang lumingon.

"Tricia tawagin mo nga! Sayo lang lumilingon yan e." sabi niya sakin.

"Neil!" sigaw ko. Lumingon naman siyaa agad. "Tawag ka ni Carly!"

"HAPPY BIRTHDAY!!!" sigaw ni Carly.

"Yow bro! Happy birthday!!" sabi naman ni Xander sabay brofist nila.

"Salamat." sabi ni Neil.

Napanganga naman ako. Wow. 

"Birthday niya. Nakalimutan mo na?" tanong sakin ni Janella.

Birthday pala niya.

"Nakita ko to sa mga papel mo sa locker. Sorry binasa ko ha? Nung Feb mo pa naman to sinulat pero, para sakanya ata to." sabi ni Janella sabay abot ng papel.

"Happy birthday to the man I've loved before. Yes. Past tense. Thank God someone took the place you own in my heart. Malabo man na magka pagasa ako sa kanya. Okay lang. Basta napalitan ka na. Hirap na hirap na rin kasi ako sa tuwing maririnig ko yung pangalan mo. "Neil" "Neil Reyes". Same feeling. Heart skip its beat. Butterflies were alive. Still the same sparks, from the day weve met. Thank you for everthing. For making me feel loved. For making me feel like a princess every waking day. Thank you for giving me the time. The time I needed. The time to make me feel the love. Thank you sa tiwala. Tiwalang minsan ng nagpatatag sa samahan nating dalawa. Tiwalang nagbigay ng sobrang pagmamahal sa pagitan nating dalawa. Salamat sa mga pangarap. Pangarap na pinanghawakan ko ng mahigit limang buwan. Pangarap na hanggang ngayon, kahit may mahal na tayong iba, umaasang matutupad parin. Pangarap na sinubaybayan ng marami. Pangarap na hanggang ngayong kumukunekta sa puso nating malaya ng magmahal ulit. Malaya ng magmahal ng iba. Sorry. Sorry sa mga pagkakamaling nagawa ko. Sa mga oras na sinayang ko. Sa mga efforts na akala ng iba na sinayang ko, pero ang totoo, hanggang ngayon nasakin parin. Sorry kung hindi mo naramdamang mahalaga ka. Hindi na ko magpapaalam. Kasi tapos na. Finally! Yes finally nagmahal ako ulit. Nagmahal ng ibang tao, ibang taong hindi ikaw. Iba. Iba yung feeling. Iba yung longging. Pero okay lang, for a change. Yes. Achievement to. Nagmahal ulit ako. Kahit mahirap. Masakit. Imposible. Nagawa ko paring buksan ulit yung puso ko para magmahal ulit. Maraming salamat sa lahat. I won't wish you the best in life. Because I know you're already the best. Wag kang masyadong magpakastress. Wag masyadong magpapakapagod. Manghingi ng tulong if possible. Always. Always keep your feet on the ground. I trust you. Yes. I still do. I'm so proud of you silent protector. HAPPY BIRTDHAY NEIL. Achievement. Yes, achievement to para sakin. Ang hindi ka ng tawaging akin. Soon."

Nagmahal ulit?

Stop lying to yourself Tricia, kasi kahit kailan hindi mo pa siya nilelet go at hindi mo pa siya pinapalitan sa puso mo.

I smiled.

Happy birthday Neil. Wala na akong mahihiling pa para sa birthday mo, kasi nasa'yo na lahat. Gusto ko lang na maging masaya ka sa piling niya.

Happy birthday Love. Ikaw parin, mula noon, hanggang ngayon.

~

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon