Tricia's POV
It's Christmas day!!! Nandito kami ngayon sa bahay namin sa Las Piñas. Dito kami nag papasko lagi.
"Hi ate!!! Merry christmas!!" bati ko sa mga housemates namin.
Eh sa yun yung tawg ni lolo eh! HAHAHAHAH.
"Hi Sabrinaaaa! Merry Christmas!" kinamot ko yung ulo niya at kumahol. Golden retriver. Aso namin dito.
Binati ko lahat ng tao.
"Merry Christmas Tricia. Sana masaya ka na." sabi ko sa sarili ko.
Kumain lang kami sa labas.
Ganito kasi dito e. Magnonoche buena ng 24 tapos 25 sa labas na kakain. Dinner.
8:30 na.
Tumingin ako sa langit.
"Merry Christmas Moon."
I smiled.
Natulog na ko pagkauwi namin. Nakakapagod!
Kinabukasan, alas tres na ng hapon ako nagising.
"Nuod daw tayo ng Bestie ad Beauty!" sabi ni Lolo.
Huh? Ano yun?
"Lolo Beauty and the Bestie kasi!" Sean, my cousin told lolo.
Natawa kaming lahat. Wtf Bestie and Beauty amp!
5-7 yung palabas. Nakauwi kami ng mga 11. Paguwing paguwi ko may nabasa ako.
Neil Romualez: Pwede ba tayong magusap?
What? Ano namang paguusapan namin neto? Okay na ko eh. Punyeta naman.
Tricia Elizalde: Hm?
go Tricia!!!!
Neil Romualdez: Pwede bang tawag?
Pwede ba? Wala naman sigurong masama? Ugh okay fine.
Tricia Elizalde: Ugh sure.
*Kring* *kring* *kring*
"Hello" ugh his voice. Namis ko to.
"Hi bakit?"
"Kamusta ka na?" Okay lang ako. Namimiss ka lang.
"Okay lang." Liar Tricia!
"Gusto ko lang linawin lahat. Closure kung baga." closure? HAHAHAHAH wow. Antagal naman ng gap ng closure mo Neil.
"Ahhh"
"Sorry kung iniwan kota. Napagod lang talaga ako. Minahal kita Tricia. Alam kong ramdam mo yun. Pero siguro nareach ko lang yung point na sasabog na yung pagod." sabi niya. I know that!
"Bakit hindi ka nagpahinga?"
"Tinigil ko kasi alam kong yun yung tama. Bakit ko pa ipagpapatuloy kung hindi na kita mahal, edi mas lalo ka lang nasaktan nun." ngumiti ako. Ng pilit.
"Sana namili ka ng oras. Wrong timing ka naman e."
"Nasasabi ba yun? Biglaan Tricia. Biglaan lahat." Yeah. Biglang mangiiwan.
"At biglaan mo rin akong pinalitan hindi ba? Masaya ka na?" I told him.
"Bestfriend ko si Melanie, Tricia. Bestfriend ko lang." HAHAHAHA Ulol mo! Bestfriend mo mukha mo!
BINABASA MO ANG
Letting Go
RandomLetting go means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a part of your destiny.