Copyright 2013 © Yeppeun
Facts | Random Blogs
FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstroyaheNiBlesie
•••
Aminin mo, gustong-gusto mo siyang yakapin hanggang sa magdamag, bumagyo man, lumindol o maging katapusan man ng mundo.
Aminin mo, handa mong isuko lahat-lahat. Pamilya mo, kaibigan, pag-aaral, pera o kahit pati ang sarili mo para lang sa kanya.
Aminin mo, handa kang maging kabit para lang maramdaman ang pagmamahal niyang may sabit.
Aminin mo, handa kang maging tanga sa lahat ng tao, kahit sa sarili mo at kahit sa kanya.
Aminin mo, hindi ka magsasawang titigan ang mukha niya, maging kulubot man o pumangit... Hinding-hindi ka magsasawa.
Aminin mo, handa kang ipagtabuyan niya... Handa kang maging masokista.
Aminin mo, umaasang kang mamahalin ka rin niya kahit alam mong hinding-hindi niya magagawa.
Aminin mo, nabubuhay ka sa imahinasyon mong kahit kailan hinding-hindi mangyayari.
Aminin mo... Mahal na mahal mo siya.
Aminin mo... Hanggang ngayon siya pa rin talaga.
Aminin mo... Siya ang nasa isip mo.
Aminin mo... Nasasaktan ka.
Aminin mo... Handa ka bang bitawan siya?
Aminin mo... Kaya mo ba?
BINABASA MO ANG
Facts
Teen Fiction[Random blogs] Para sa mga taong nasaktan ngunit naniniwala pa rin sa hiwaga ng pagmamahal.