"The Perfect Couple"
May ikukwento ako sa inyo tungkol ito sa isang magbestfriend.
Nagkakilala sila noong high school, hindi ito iyong high school puppy love. Iyong nagkasalubong na agad ang landas nila para bang may tali na magkakonekta sa mga puso nila. Awtomatikong naramdaman nila ang pagtibok ng kanilang puso, para bang naramdaman nila iyong spark ng bawat isa.
Nagsimula sa simpleng 'Hi' at 'Hello' hindi nila inaasahan na sa simpleng ngitian at batian sa isa't-isa ay magiging matalik silang magkaibigan hanggang sa humantong sa pagiging bestfriend.
Tumagal ang panahon at lumipas ang bawat pagkakataon. Magkasama pa rin sila, sinubok ng tadhana ang tatag ng pagkakaibigan pero hindi sila sumuko, nagkaroon ng tampuhan at galit sa isa't-isa pero lumilipas din at naglaho. Nasaksihan nila ang magagandang nangyayari sa buhay nila na magkasama, hindi sila napaghihiwalay kung minsan pinagkakamalan silang magkasintahan.
Hanggang sa humantong na nagmahal ang isa sa kanila at ang isa ay patagong nagmamahal. Taliwas ang nararamdaman ng isa sa kanila. Ang isa na mahal na mahal ang bestfriend niya at ang isa ay may mahal ng iba.
Lumipas muli ang panahon, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ng bawat isa. Dumating ang pagkakataon na inamin ng isa na mahal na niya ito pero tulad ng inaasahan niya... Hanggang bestfriend lang talaga sila.
Tanggap niya iyon, simula pa lang iyon na talaga ang papel niya hanggang doon lang talaga siya. Tinulungan niya ang bestfriend niya para mahalin siya ng babaeng mahal niya. Isinantabi niya ang nararamdaman niya para sa kaligayahan ng bestfriend niya. Hindi niya sinuko ang pagkakaibigan nila, pero ang pagmamahal niya para sa bestfriend niya... Sinuko niya.
Wala siyang ipaglalaban, umpisa pa lang talo na siya.
Habang tumatagal ang panahon wala siyang ibang minahal kundi ang bestfriend niya pinilit niyang makalimot, nagbigay oras siya para sa sarili niya pero sa tuwing nakakausap at nakikita niya ang bestfriend niya bumabalik ang nararamdaman niya.
Habang tumatagal ang panahon hindi sinagot ng babae ang bestfriend niya, walang ibang minahal ang bestfriend niya kundi ang babae lang na iyon.
Inggit, galit, awa at selos ang naramdaman niya, halo-halo pero nabubuo ang pag-asa sa puso niyang 'Sana... Sila na lang hanggang sa huli...'
Tulad ng dati, may puwang sa puso niyang mamahalin din siya ng bestfriend niya, nagkakaroon siya ng pag-asang mangyari rin sa kanila ang mga napapanood niyang pelikula na nagkakatuluyan sa bandang huli ang magbebestfriend.
Naghintay siya ng ilang taon, marami na siyang pinagdaanan pero mas nagiging matatag.
Ilang taon niyang naranasan ang sakit na dulot ng pagmamahal niya para sa bestfriend niya, ilang balde na yata ang iniyak niya nang dahil sa bestfriend niya.
Hindi na siya nagmahal ng iba, wala na siyang ibang mamahalin kundi ang bestfriend niya.
Pero lahat ng iyon ay may kapalit...
Sa paglipas ng bawat panahon hindi niya inaasahan na mamahalin din siya ng bestfriend niya. Lahat ng sakit, iyak at paghihirap na pinagdaanan niya muli na niyang naranasan ang saya na matagal na niyang hindi nararamdaman.
Walang posible sa imposible, bawat sakit ng nararanasan mo, bawat luha na pinapakawalan ng mata mo at bawat paghihirap na nararanasan mo lahat ng iyan may kapalit... Kung hindi man siya ang taong para sa'yo... Darating din iyan, matagal pero maghintay ka lang... Darating din siya, mararanasan mo rin ang saya na gusto ng maranasan ng puso mo.
Hanggang dulo ba binasa mo ang kwento? Naintindihan mo ba ang bawat pahiwatig nito? Naramdaman mo ba ang emosyon na gusto niyang iparamdam sayo?
Kilala mo ba sila?
Isa ka ba sa kanila?
BINABASA MO ANG
Facts
Teen Fiction[Random blogs] Para sa mga taong nasaktan ngunit naniniwala pa rin sa hiwaga ng pagmamahal.