Dear Boys,
Mga gago kayo eh, mga paasa, mga pa-fall, mga walang isang salita, mga walangya, mga two-timer at walang effort! Nakakainis kayo! Mga tarantado kayo, lagi kayong nananakit ng mga babae, lagi ninyo kaming pinaiiyak, lagi ninyo kaming iniiwan, kami na itong bigay nang bigay kayo itong tanggap nang tanggap pero nang-iiwan pa rin kayo sa ere. Ano pa bang kulang? Hindi pa ba kayo nakukuntento? Bakit kayo ganyan? Bakit?
Minsan na nga lang kami magmahal lolokohin ninyo pa at gagaguhin. Oo, mga tanga kami, mga uto-uto pero tama bang gaguhin ninyo kaming mga babae? Maarte kami o malandi, inaamin namin iyon pero tama bang gaguhin ninyo kami?
Hindi namin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ninyo, hindi namin alam kung ano ang nararamdaman ninyo, kung nasasaktan ba kayo o kung wala lang sa inyo ang nangyayari? Ang hirap ninyong basahin, ang hirap ninyong intindihin.
Siguro nga hindi namin alam ang mga saloobin ninyo... Pero nakakagago kasi kayo.
Pwede bang mahalin ninyo kami na kami lang talaga at walang siya? Pwede bang isa lang mahalin ninyo at hindi dalawa, tatlo, apat o kung ilan man? Pwede ba iyon?
Minsan na nga lang kaming mga tanga na magmahal, ginago ninyo pa.
Lubos na gumagalang,
Girls

BINABASA MO ANG
Facts
Teen Fiction[Random blogs] Para sa mga taong nasaktan ngunit naniniwala pa rin sa hiwaga ng pagmamahal.