Sige na bitawan mo na siya. Ako na ang sasalo sa kanya, pwede ba?
Iyong mga taong naghihintay lang maging single ulit ang taong mahal nila at iyong mga taong stay put lang sa isang tabi hangga't may mahal pang iba ang taong mahal nila. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ang paghihintay mo na iyan. Pero naisip mo bang mukha ka ng tanga? Iyong nasa isang tabi ka lang naghihintay na may lumapit sa'yong isang tao at tutulungan mo? Para ka lang naghihintay sa puno ng mansanas na may mahulog na isang saging... Imposible. Paano nga kaya kung iwan siya ng taong mahal niya at ikaw na nandyan ready ka ng sumalo sa kanya pero ayaw niyang magpasalo sa'yo... Diba masakit? Kaya mo pa ba?
Sige na... Tama na kung nasasaktan ka. Oo mahal mo siya. Pero sige na. Tigilan mo na...

BINABASA MO ANG
Facts
Teen Fiction[Random blogs] Para sa mga taong nasaktan ngunit naniniwala pa rin sa hiwaga ng pagmamahal.