Dear Girls,
Pwede bang magpahinga muna kaming mga lalaki? Pwede bang kayo naman ang manligaw? Pwede bang kami naman ang magpakipot? Pwede bang kami ang bigyan ng effort? Pwede bang kami naman ang magpahintay? Pwede bang kami naman ang bigyan ng mga flowers? Pwede bang kami naman ang magkaroon ng 'dalaw' kada buwan? Pwede bang maging kami muna kayo? Pwede ba iyon girls? Pwede ba?
Lalaki kami. Kailangan matapang, kailangan hindi puro salita, kailangan stick to one, kailangan maging matatag, kailangan kami ang gumawa ng efforts. Pero girls tao lang kaming mga boys... Napapagod rin kami... Nakakapagod nang maghintay sa inyo, nakakapagod nang gumawa ng mga efforts.
Girls, siguro iniisip ninyo na mga manloloko kami? Mga gago? Mga walanghiya? Mga walang kwenta? Ha-ha-ha. Hindi lahat girls, hindi lahat...
Tao rin kasi kami, kahit na sabihin ninyong gago, walanghiya, tarantado, walang isang salita, manloloko, walang bayag at walang kwenta. Nasasaktan kami, tulad ninyong mga babae. Kahit lalaki kami, marunong kaming masaktan at marunong kaming mapahiya... Kung iniisip ninyo parang wala lang sa amin ang mga nangyayari? Kung iniisip ninyong puro papogi lang kami? Puro dota at basketball? Hindi. Mali kayo, kasi tulad ninyo nag-eemote rin kami, nagpapatugtog din kami ng mga pang-broken hearted na kanta, nag-iisip kami kung paano magmove-on, kung paano gumawa ng tinatawag nilang 'unique efforts'.
Alam ninyo girls, nakakapagod ng maging lalaki eh. Kasi kayong mga babae nailalabas ninyo ang sakit na nararamdaman ninyo pwede kayong umiyak sa classroom, sa daan, sa tindahan, sa fastfoods o kahit saan madatnan ang mga luha ninyo. Pero kami? Saan ninyo ba kami nakitang umiyak? Habang naglalaro ng dota? Nang basketball?
Hindi namin mailabas iyong sakit na nararamdaman namin. Nakaka-inggit kayong mga babae.
Sana girls, marealize ninyong napapagod rin kaming mga lalaki at nasasaktan din kaming mga lalaki. Sana girls, maintindihan ninyo ang gusto kong iparating. Kasi napaka-unfair ninyong mga babae. Iniisip ninyo lang ang nararamdaman ninyo, pero hindi ninyo alam sa bawat papogi namin, sa bawat paglalaro ng dota at basketball namin... Nasasaktan kaming mga lalaki.
Sana girls marealize ninyo. Sana...
Lubos na gumagalang,
Boys
BINABASA MO ANG
Facts
Teen Fiction[Random blogs] Para sa mga taong nasaktan ngunit naniniwala pa rin sa hiwaga ng pagmamahal.