Tumatawa ka at ngumingiti. Dyan ka naman magaling sa pagkukunwari. Kahit nasasaktan ka na todo pakitang gilas ka pa rin na masaya.
Umaasa ka, pero may inaasahan ka ba? Nagmamahal ka pero minamahal ka ba? Nasasaktan ka samantalang siya masaya sa iba. Alam mo nang nasasaktan ka pero patuloy ka pa rin. Bitawan mo na, sabihin nating iisa lang siya sa mundo at hindi ka na makahahanap ng tulad niya pero you don't even deserve to be hurt like this. Hindi madaling bitawan siya pero hindi masarap ang masaktan kung nakasabit ka pa rin sa kanya. Nasa sa'yo kung ano ang gagawin mo, ikaw ang pumipili ng gusto mo at siguro choice mo ang saktan ang sarili mo.
Bitawan mo na, tumingin ka sa iba, lumingon ka sa paligid mo at maghintay ka para sa isang taong magmamahal talaga sa'yo.
BINABASA MO ANG
Facts
Roman pour Adolescents[Random blogs] Para sa mga taong nasaktan ngunit naniniwala pa rin sa hiwaga ng pagmamahal.
