Dear Ikaw,
Hello! Ako nga pala iyong babaeng laging tumitingin sa'yo sa malayo, ako nga pala iyong laging inaabangan ka sa labas ng school o kahit saang lugar na maaari mong puntahan. Oo nga pala, minsan sinubukan kitang lapitan, umaasang magkakadikit ang balat nating dalawa, maamoy ang pabango mo, makita ang makinis mong mukha sa malapitan. Pero hindi ko magawa, hindi ko masubukan dahil nahihiya ako... Minsan din sinubukan kong magpapansin sa'yo, kapag alam kong malapit ka lalakasan ko ang boses ko o kaya naman kunwaring mabubunggo kita. Pero nabigo ako, hindi mo ako pinansin. Sino ba naman ako para pansinin mo diba? Eh isa lang naman ako sa mga babaeng nagkakagusto sa'yo. Siguro ang tingin mo sa akin pang karaniwan na babae lang, pero hindi... Hindi ako pang karaniwan, napakaweirdo ko, kung minsan mas masahol pa ako sa baliw, napaka-out of this world ng pagkatao ko. Kung minsan ang gulo-gulo ko, minsan hindi kita gusto, minsan kasi nararamdaman kong mahal na kita pero minsan gusto lang talaga kita. Ang gulo diba? Kahit ako naguguluhan sa sarili ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko hiniling na lagi mo akong mapansin, pero sana malaman mo na nandito lang ako, nandito ako sa malayo na laging nakatingin sa'yo, nandito ako na handa kang mahalin kung sakaling hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo, nandito lang ako kung gusto mo ng makakausap...
Nasa malayo lang ako, nakatingin sa'yo... Umaasang mapapansin mo...
Hoping,
Ako
BINABASA MO ANG
Facts
Teen Fiction[Random blogs] Para sa mga taong nasaktan ngunit naniniwala pa rin sa hiwaga ng pagmamahal.