Ito iyong sitwasyon na napakahirap para sa taong nagmamahal.
Ikaw iyong mahal na mahal mo siya at siya naman itong may mahal ng iba. Pero imbis na matauhan ka? Patuloy mo lang siyang minamahal kahit alam mo sa sarili mong nasasaktan ka na, pero tanga ka eh. Doon ka masaya, sa minamahal siya at nasasaktan ka. Ikaw lang ang nakararamdam ng sakit, ikaw lang ang patuloy na nagmamahal. Sabi raw nila masarap ang magmahal to the point na sobra ka nang nasasaktan.
Wala kang karapatan sa kanya, wala kang karapatan na magselos at wala kang karapatan sa buhay niya. Teka.. Sino ka ba para sa kanya?
Mahirap, masakit, mahirap at masakit. Dyan lang umiikot ang buhay mo sa kanya at dyan lang umiikot ang pagmamahal mo sa kanya. Kahit na umasa kang mamahalin ka rin niya o kahit na tiwala ka sa sarili mong balang araw mamahalin ka niya.. Hanggang dyan ka na lang ba? Sa puro asa at nagmamahal ng taong may mahal na?
Bitawan mo na, masakit na eh... Tama na siguro. Marami ka ng ginawa sa kanya, sapat na iyon. Kahit masakit at kahit mahirap...Tama na, lalo ka lang masasaktan at mahihirapan kapag pinagpatuloy mo lang. Bitawan mo na...
BINABASA MO ANG
Facts
Teen Fiction[Random blogs] Para sa mga taong nasaktan ngunit naniniwala pa rin sa hiwaga ng pagmamahal.