Bestfriendzoned

1.6K 35 5
  • Dedicated kay Para sa mga taong na-bestfriendzoned
                                    

Bestfriendzoned

Sa lahat ng zoned ito na yata ang pinakamahirap at pinakamasakit. Dito sa zoned na ito mahirap tumakas at mahirap umalis. Para bang kinandado ka na dyan, iyong tipong pinadlock ka at tinapon ang susi sa malayong-malayong lugar at sinunog. Sa ayaw at sa gusto mo... Wala ka ng takas.

Mahal naman natin ang mga bestfriend natin, pero iba pa rin kapag inlove ka na talaga. Syempre sa una magiging manhid ka, magiging masokista at tanga. Sa una, hindi mo muna papansinin ang kakaibang nararamdaman mo sa kanya, hindi mo alam kung bakit ka nasasaktan kapag kinukwento niya sa'yo ang taong mahal niya. Dahil nga bestfriend ka, dapat hindi ka makaramdam ng sakit mula sa kanya, dapat hindi mo mararamdaman ang pagbilis nang tibok ng puso mo kapag yayakapin ka niya o kapag magiging sweet siya sa'yo. Kailangan umakto ka sa tama, kailangan umakto ka sa pagiging bestfriend.

Pero kahit anong pagpapanggap mo lalabas at lalabas din ang katotohanan na mahal mo na ang bestfriend mo. Iyong tipong kapag todo kwento siya sa taong mahal niya gusto mong sabihin na. "Bakit kasi siya pa? Bakit hindi na lang ako? Nandito lang naman ako sa tabi mo." Pero dahil bestfriend ka lang sa ayaw at sa gusto mo makikinig ka lang sa mga kinukwento niya.

Masakit. Iyong sakit na nararamdaman mo parang pinapatay ka nang paulit-ulit, para bang iniitak iyang puso mo, tapos iitakin ulit, tapos iitakin, tapos iitakin hanggang sa maging pinong-pino tapos susunugin, wala yatang tamang salita para i-describe kung gaano kasakit ang magmahal sa bestfriend. Basta masakit. Sobrang sakit...

Hindi mo alam kung kanino mo sasabihin ang nararamdaman mo, hindi mo alam kung aaminin mo ba sa kanya o ililihim na lang habang buhay. Para bang mababaliw ka na kasi hindi mo na alam kung ano ang dapat sa hindi dapat.

Kapag kasama mo siya tatawa ka at ngingiti pero sa totoo lang gustong-gusto mo nang umiyak sa harap niya, mahirap magpanggap, mahirap na masakit kasi kahit sarili mo niloloko mo na.

Hindi madaling makawala sa bestfriendzoned, kahit anong tips pa ang mabasa o i-advice sa'yo para lang makapagmove-on, kahit ilang taon pa ang igugol mo sa sarili mo hinding-hindi ka pa rin makakatakas sa bestfriendzoned. Siguro masasabi mo sa sarili mong, "Nakapag-move on na ako." pero kapag nakita mo ulit siya o nakausap. Doon mo ulit mararamdaman ang pagbilis nang tibok ng puso mo, doon mo masasabi na. "Bakit hanggang ngayon siya pa rin talaga?"

Bakit nga ba kasi hindi na lang ikaw? Bakit ba kasi iba pa ang minahal niya? Bakit ba kasi hindi nila tayo kayang mahalin hindi lang bilang bestfriend? Bakit kasi sa lahat ng lalaki/babae sa mundo, bakit kasi si bestfriend pa ang minahal mo?

Hindi natin maiwasan na umasang balang araw mamahalin din tayo nila, hindi natin maitatanggi sa sarili natin na kahit konti umaasa tayong marinig mula sa kanila iyong mga katagang, "Mahal na mahal kita hindi lang bilang bestfriend, higit pa roon. Wala ng pero-pero, wala ng bakit-bakit. Basta mahal kita... Mahal na mahal." Hindi natin maiiwasan na isiping balang araw si bestfriend ang makatutuluyan natin, si bestfriend ang magiging ina/ama ng mga magiging anak natin.

Pero malabong mangyari. Sino nga ba ikaw? Diba isa lang namang bestfriend.

Sabi nila sobrang sakit at mahirap ang ma-friendzoned pero hindi nila alam mas malala ang ma-bestfriendzoned.

Pero wala ka namang magagawa, sino nga ba ulit ikaw? Diba bestfriend... Isang bestfriend lang.

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon