Biglaan.

2K 40 6
                                    

"Sa hindi inaasang panahon darating ang mga pangyayaring...biglaan."

Biglaan kang dumating sa buhay ko, hindi ko alam kung paano, saan at kailangan. Basta ang alam ko... Biglaan.

Naging kaibigan kita nang biglaan... Hindi ko alam kung sino ang nag-umpisa makipagkaibigan at kung paano tayo naging magkaibigan.

Tumagal ang panahon ng pagkakaibigan nating dalawa, hindi ko inaasahan na hahantong ito ng pang matagalan.

Isang araw, nagising na lang ako bigla na lang kitang mahal... Biglaan kong naramdaman, biglaan kong tinanggi sa sarili ko, biglaan kong pilit kinakalimutan ang nararamdaman ko. Biglaan...

Bigla mong sinabi sa akin na may mahal kang iba, biglaan akong nasaktan.

Mas lalong tumagal ang panahon, biglaan kang sinagot ng taong mahal mo... Bigla kong naisip na hanggang magkaibigan lang talaga tayo.

Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, bigla kong inamin sa'yo na mahal kita. Hindi ko sinasadya, wala akong balak na sabihin sa'yo kaso... biglaan.

Mahal mo ako bilang kaibigan, iyon na talaga ang inaasahan ko simula't-sapul dahil hanggang dito na lang talaga tayo.

Kaso... Bigla mo na lang ako hindi pinansin, biglaan mo na lang akong hindi kakausapin, lalapitan at kukulitin.

Biglaan kong naisip... Bakit?

Biglaan kitang nakilala, biglaan kitang naging kaibigan, biglaan kitang minahal, biglaan akong umamin sa'yo, biglaan mo akong iniwasan.

Biglaan.

Biglaan mo akong iniwang nasasaktan.

Biglaan mo akong kinalimutan.

Biglaan...

Biglaan kong naalala ang kwento ninyong dalawa. Nagsimula lahat sa biglaan at muling magsisimula sa biglaan.

Oo nga pala, biglaan ko rin naalala.. Biglaan kang nakipaghiwalay sa akin dahil siya talaga ang mahal mo at hindi ako.

Biglaan din pala.

Biglaan din pala nagtapos ang kwento nating dalawa.

Biglaan...

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon