Masokista

2.2K 46 4
                                    

"Okay lang na masaktan ako, basta mahal ko siya wala naman akong magagawa rito ako masaya."

Iyog mga taong alam na nilang nasasaktan sila pero go pa rin, push lang sila nang push dahil alam nilang doon sila sasaya sa taong mahal nila.

Minsan ang gulo ng mundo, hindi mo alam kung masokista na ba, tanga o sadyang nagmamahal lang talaga?

Ang iba naman kahit nasasaktan na patuloy pa rin silang naghihintay at umaasang balang araw babalikan o mamahalin din sila ng mga taong mahal nila kahit alam nilang napakalabong mangyari iyon. Minsan sa sobrang pagiging masokista dyan na papasok ang pagiging tanga. Nagiging tanga ka na dahil umaasa ka sa wala, nagiging tanga ka na dahil nagmamahal ka ng taong alam mo naman na kahit kailan hindi ka mamahalin. Tanga at masokista ka, idagdag pa natin ang pagiging martyr mo. Napaka-full package na yata kapag nagmahal ngayon, kahit gaano ka pa nirerespeto magiging mababa ang tingin sa iyo ng mga tao dahil sa ginagawa mo. Pero wala ka pa ring pake sa kanila. Dahil nagmamahal ka.

Hindi natin masisisi ang mga ganyang tao, dyan sila masaya kahit masasaktan at nasasaktan na sila. Hindi natin sila masisisi dahil nagmamahal sila. Kahit batukan at sapakin natin sila patuloy lang ang gagawin nila, dahil doon sila masaya at nagmamahal sila... Pero hanggang kailan sila ganoon?

Hanggang kailan ka magiging ganyan?

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon