Pagbabago...

1.5K 28 6
                                    

Kahit anong pagbabago ang gawin mo sa sarili mo hindi pa rin nawawala o nabubura ang katotohanang siya pa rin ang mahal mo.

Kahit magpagupit ka at baguhin mo man ang pananamit mo, kahit na baguhin mo ang mukha mo, ugali mo o ano man ang dapat na ipagbago mo. Hindi mo pa rin maitatanggi siya pa rin ang mahal mo. Kahit na ipakita mong masaya ka na, hindi ka na malungkot at umiiyak, iyong hindi ka na nagpopost ng mga hugot na hugot na status at kahit baguhin mo ang nararamdaman mo para lang maipakita mong masaya ka na at wala na siya para sa'yo... Hindi mo pa rin maitatanggi na siya pa rin ang mahal mo. Pakitang-tao kumbaga, kahit masakit na para sa'yo kailangan mong ipakita na nagbago ka na,  hindi mo na siya mahal at mapaniwalang may mahal ka ng iba. Masyadong mahirap pero kinakaya mo para sa pagbabago na ginagawa mo.

Pero kahit anong gawin mo, kahit sabihin mong may mahal ka ng iba at hindi na siya ang taong mahal mo dahil nagbago ka na. Maiisip mo pa rin na mali ka at nagsisinungaling ka na naman sa sarili mo...

Punyeta.

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon