Subukan mong mahalin ako, hindi ka magsisisi... Pangako.
Bakit kasi siya pa? Nandito lang naman ako, siguradong nagmamahal sa'yo. Subukan mo kayang mahalin ako, kahit hindi tumalab ang subok mo okay lang basta't kahit papaano sinubukan mo. Wala naman mawawala diba? Hindi naman ikaw ang masasaktan kapag hindi tumalab ang subok mo kundi ako. Kapag sinubukan mong mahalin ako gagawin ko lahat ng mga bagay na hindi niya ginawa sa'yo o dapat na gawin niya sa'yo. Mas higit pa roon kung gusto mo, kahit isang dumi ng alikabok hinding-hindi ko ipapadapo sa balat mo. Kasi ganoon kita kamahal... Ayokong nadudumihan ka. Mahalaga ka e, dinaig mo pa ang pinakamahal na diamond sa buong mundo. Ipaparamdam ko sa'yo kung gaano ako magmahal, lahat-lahat gagawin ko kahit ano... Subukan mo kaya, please? Subok lang naman wala namang mawawala.
Subukan mo lang na mahalin ako kahit subok lang tapos... Iwan mo ulit ako. Ayos lang.

BINABASA MO ANG
Facts
Ficção Adolescente[Random blogs] Para sa mga taong nasaktan ngunit naniniwala pa rin sa hiwaga ng pagmamahal.