Kahapon.

1.8K 32 6
                                    

"Mahal kita."

Salitang hinding-hindi ko makalilimutan, salitang lagi niyang binibigkas, mga salitang nagbibigay ngiti sa aking mga labi at salitang nagbibigay buhay sa aking buhay.

"Salamat."

Salitang binigkas mo at naging dahilan kung bakit ko naalala lahat ng mga ginawa at sakripisyo ko sa'yo. Salitang naging dahilan kung ano ang mga ginawa kong makabuluhan sa buhay mo.

"Patawad."

Wala ka naman kasalanan pero bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka naman ginawang masama...

Ay teka. Oo nga pala. Sinaktan mo ako.

"Paalam."

Salitang naging dahilan kung bakit tumulo ang mga luhang gustong lumabas sa aking mga mata, salitang huli kong narinig mula sa'yong mga labi, salitang huli mong binigkas bago mo ako iwan at salitang huli kong maririnig mula sa'yo aking mahal. Salitang nagpabago ng lahat, anim na letra at isang salita. Ngunit tinaob ang salitang Mahal kita.

"Bakit?"

Marami akong katanungan sa aking sarili ngunit ang salitang 'bakit' lang ang lumabas galing sa aking bibig.

Kahit isa, walang sagot. Kahit isa wala akong mahanap na sagot.

Kahapon lang lahat iyon nangyari, kahapon lang niya lang iyon sinabi mga salitang kahapon ko lamang narinig ngunit buong buhay ko dadalhin ang sakit.

Kahapon lang niya sinabi ang mga salitang iyon, mula sa salitang Mahal kita hanggang sa nagtapos sa salitang Paalam.

Kahapon lang ang nangyari lahat. Sariwa pa sa aking pusong sugatan.

Kahapon...

Tama, kahapon nga...

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon