Naalala mo pa ba? Iyong araw na unang beses kitang nakilala at akala ko wala ka lang sa buhay ko.
Naalala mo pa ba? Iyong mga ngiti mo sa akin, simpleng "Hi." at "Hello." mo para na akong nasa langit.
Naalala mo pa ba? Iyong simpleng text mo na, "Ingat" pakiramdam ko napakaprotektado ko na agad.
Naalala mo pa ba? Iyong araw na inamin mong gusto mo ako.
Naalala mo pa ba? Iyong araw na sinabi mong liligawan mo ako at narinig ko mula sa iyo ang mga katagang, "Mahal kita."
Naalala mo pa ba? Iyong simpleng panliligaw mo kinikilig na agad ako.
Naalala mo pa ba? Iyong araw na sinagot kita... Pakiramdam ko habang-buhay na tayo.
Naalala mo pa ba? Iyong unang buwan nating magkasama? Akala ko, ikaw iyong taong wala lang noon.
Naalala mo pa ba? Iyong mga panahon na ang saya-saya nating dalawa.
Naalala mo pa ba? Iyong panahon na habang tumatagal tayo nagkakaroon ng konting pag-aaway sa relasyon natin.
Naalala mo pa ba? Iyong panahon na hindi na kita maintindihan.
Naalala mo pa ba? Iyong mga panahon na nagkakalabuan na tayong dalawa.
Naalala mo pa ba? Iyong panahon na sumusuko ka na pero ako lumalaban pa.
Naalala mo pa ba? Iyong araw na nakipaghiwalay ka.
Naalala mo pa ba? Iyong panahon na umiyak ako sa harapan mo at pilit na nagmamakaawang tayong na lang ulit.
Naalala mo pa ba? Iyong panahon na ipinagtatabuyan mo ako.
Naalala mo pa ba? Iyong sakit na idinulot mo.
Naalala mo pa ba? Iyong iniwan mo ako.
Naalala mo pa ba? Iyong mga masasakit na salitang binitawan mo.
Naalala mo pa ba ang lahat?
Baka kasi nakalilimutan mo na...
Ipinapaalala ko lang sa iyo.
BINABASA MO ANG
Facts
Teenfikce[Random blogs] Para sa mga taong nasaktan ngunit naniniwala pa rin sa hiwaga ng pagmamahal.