Magulo.

1.1K 24 4
                                    

Hindi mo alam kung mahal mo pa ba siya o hindi na.. Magulo e, naglalaban ang puso't-isip.

Sobrang hirap kalabanan ng puso at isip, hindi mo alam kung sino ang susundin mo, kung ang isip mong nag-iisip o ang puso mong nakadadama nang nararamdaman mo. Mahirap, para bang ito iyong one big shot mo. Kapag isa ang pinili mo hinding-hindi ka na pwedeng pumili pa ng isa, bawal balikan ang dalawang choices, bawal mag trial and error. Kapag pumili ka ng isa panindigan mo, kaya dapat pinag-8isipan mabuti para hindi mag-sisi bandang huli.

Pero paano kung naguguluhan ka na? Hindi mo alam kung ano ang susundin mo, sanay kang mahalin siya hanggang sa tumagal-tagal hindi mo alam kung mahal mo pa ba siya. Hindi mo alam kung sino sa puso at isip mong nagsasabi na hindi mo na siya mahal at mahal mo pa siya. Magulo.

Dahil hindi matanggap ng sarili mo ang tamang sagot sa katanungan mo.

Hindi mo matanggap ang katotohanan ng nararamdaman mo.

Magulo kasi...

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon