Single

3.5K 90 14
                                    

Single?

Iyong taong naiinggit paminsan-minsan kapag may nakikitang magkasintahan na sobrang maglambingan kahit saan. Iyong tipong sumakay kang LRT may makikita kang magkasintahan na naghaharutan at walang pakialam kahit sobrang sikip at siksikan, iyong tipong sumakay ka sa jeep kahit sobrang init nagyayakapan at nag-aakbayan, mapunta ka sa park may makikita kang todo holding hands o halikan, sa eskwelahan man wala silang pakialam kung pagalitan sila ng mga guro, kahit saan may makikita ka. Kahit sabihin mo sa sariling mong masaya maging single dahil walang problema, hindi mo pa rin maiwasan na hindi mainggit kapag nag-iisa ka na.

Ikaw iyong tipong masaya kapag may kasamang kaibigan, masaya kahit na single dahil nandyan naman ang mga kaibigan. Pero kapag nag-iisa ka na, nararamdaman mo pa rin ba ang saya?

Minsan napapatanong ka na lang sa sarili mo kung anong kulang sa iyo, kung may mali ba sa iyo at hanggang ngayon wala ka pa ring gf/bf. Kung kaibigan o kakilala mong manang manamit, hindi kagandahan at pangit ang ugali... Pero sila pa ang may lovelife.

Nakapagtataka, dahil lahat nasa sa iyo na pero naghahanap ka pa rin ng kulang, iyong tipong inaakala mong may mali sa iyo...

Siguro ito iyong tamang panahon para mas lalo mong makilala ang sarili mo, para maging handa ka sa magiging makakarelasyon mo, siguro ito iyong tamang panahon para bigyang oras mo ang sarili mo. Hindi masamang mainggit sa iba dahil may lovelife na sila. Natural lang iyan hindi mo iyan maiiwasan. Pero huwag mong iisipin na habang buhay kang nag-iisa dahil may isang taong hinahanap-hanap ka rin, may isang taong naiinip din sa pagdating mo sa buhay niya, tulad mo naiinggit din siya sa may mga lovelife dahil tulad mo... Single rin siya. Huwag kang mag-alala, lahat naman tayo may true love, sila iyong taong mahirap hanapin, sa bilyong-bilyon na tao sa mundo isa lang naman dyan ang true love mo.

Malay mo nandyan lang siya, naghihintay lang sa iyo at ikaw naghihintay lang din sa kanya. Ang resulta? Naghihintayan lang kayong dalawa, may tamang panahon para riyan, sa tamang pagkakataon at sa tamang oras.

Parang wattpad lang iyan, hindi pa pinapublish ni Author ang lovestory ninyo, masyadong maraming chapter, malay mo ginagawa na Niya ang epilogue ng lovestory ninyo, malay mo nasa special chapter na siya at pagkatapos na Niya, 'publish' na lang ang kulang... Kailangan maging handa ka lang.

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon