Naramdaman mo na ba?

1.3K 26 5
                                    

Naramdaman mo na ba iyong akala mo nag-iisa ka na lang?

Kahit na sobrang daming taong nakapaligid sa atin, sobrang daming kaibigan na nagmamahal, sobrang daming mapagsasabihan ng problema at sobrang daming nag-aalaga sa'yo. Pero kapag nasaktan ka iyong sakit na sobra pa sa sobra... Doon mo na lang mararamdaman na iyong tipong nag-iisa ka na. Wala na iyong mga sobrang daming taong nasa iyo, wala na uyong sobrang daming taong nagmamahal sa'yo. Naramdaman mo na ba? Iyong ang daming nagpapasaya sa'yo pero nasa puso mo pa rin iyong sakit... Naramdaman mo na ba? Iyong tipong sa sobrang daming taong nandyan para sayo siya pa rin ang hinahanap ng puso mo. Naramdaman mo na ba? Kailangang babalik ka sa kanya, para hindi mo na ulit maramdaman ang sakit na nasa puso mo.

Naramdaman mo na ba? Iyong siya ang mundo mo pero hindi ikaw ang mundo niya.

Naramdaman mo na ba?

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon