Dear You,

1.6K 41 7
                                    

Dear You,

           Kailan ka ba darating? Matagal-tagal na kitang hinihintay, ang tagal ko nang gustong maramdaman ang mga yakap mo, ang mga kamay mo pati na rin ang mga halik mo. Sobrang tagal ko ng inaasahan ang pagdating mo, hinandaan ko na ang sarili ko sa mga maaari nating pagdaanan, sinubok na ako ng panahon at sa pagdating mo kahit ano at sino pa ang sumubok sa atin hinding-hindi na ako susuko. Nasaan ka na? Parating ka na ba? Bakit ang tagal mo naman yata?

          Gustong-gusto ko nang marinig mula sa'yo ang mga simpleng, "I love you" tapos kikiligin ako, kapag naman hindi tayo magkasama gusto kong makatanggap ng text na, "Miss na kita" o di kaya, "Ingat ka" ang mga simpleng salita na iyan matagal ko ng gusto marinig mula sa'yo... Sana dumating ka na... Sana.

          Traffic ba dyan? O baka naman may nakaharang? Basta kahit anong mangyari nandito lang ako umaasang darating ka... Kahit anong mangyari maghihintay ako, kahit matagal. Maghihintay ako...

Lubos na maghihintay,

Ako

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon