Hanggang Kailan?

1.7K 34 3
                                    

Hanggang kailan ba ako aasa sa pagmamahal mo? Na sana ako na lang ang dahilan nang pagtibok ng puso mo. Hanggang kailan ba ako aasa na sana makalimutan mo na siya? Hanggang kailan ba ako aasa na sana ako na lang? Ako na lang ang mahal mo.

Hanggang kailan?

Hanggang kailan ba ako magpapakatanga sa'yo? Kahit ilang beses kong sabihin na hindi na kita mahal at nakapagmove-on na ako hindi ko pa rin maitatangging ikaw pa rin talaga.

Hanggang kailan?

Hanggang kailan ko ba lolokohin ang sarili ko? Hanggang kailan ko ba lolokohin ang mga tao sa paligid ko? Hanggang kailan ko ba sasabihin sa kanila na okay lang ako?

Hanggang kailan?

Hanggang kailan ba itong pagmamahal ko sa'yo? Matatapos pa ba ito? Pang habang-buhay na ba ito? O hanggang sa tumitibok pa ang puso ko?

Hanggang kailan?

Hanggang kailan ako magpapakamasokista nang dahil sa'yo? Hanggang kailan ko ba sasaktan ang sarili ko? Hanggang kailan ko ba tatanggapin ang mga sakit na dulot mo?

Hanggang kailan?

Hanggang kailan ba ang lahat ng paghihirap ko sa'yo? Hanggang kailan pa ba ito? Matatapos pa ba ang lahat ng ito? Lalo na ang sakit ng nararamdaman ko?

Hanggang kailan?

Hanggang kailan ba ako maghihintay sa'yo? Hanggang kailan ba ako luluha nang dahil sa'yo? Hanggang kailan pa ba?

Hanggang kailan?

Hanggang kailan ko ba masasagot ang lahat ng katanungan ko?

Hanggang kailan?

Sana maramdaman mong nandito lang ako sa tabi mo ang tunay na nagmamahal sa'yo.

(c) Yeppeun

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon