Bakit?

1K 23 2
                                    

Kung minsan kapag may pinagdadaanan tayong problema napapatanong na lang tayo sa Kanya kung bakit ngayon pa? Bakit pinagdadaanan ko ito? Bakit sa akin pa? Bakit... Bakit?

Isang tanong na madaling itanong sa Kanya pero mahirap alamin at maramdaman ang kasagutan. Kung minsan nasa harap mo na ang sagot, kumakatok na sa puso mo at kung minsan tumambay na sa isip mo pero binabaliwala mo ito.

Bakit? Dahil hindi mo matanggap na iyon ang sagot sa lahat ng katanungan mo.

Pero alam mo ang mas mahirap?

Bakit sa sobrang dami ng tao sa paligid mo kahit isa sa kanila wala kang mapagsabihan ng problema?

Bakit?

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon