Ang sarap sa pakiramdam kapag may lalaking/babaeng yayakap sa'yo kapag umiiyak ka, iyon bang daig pa ang bestfriend o magulang mo sa pagcomfort sa'yo, iyon bang sa bawat luha mo nararamdaman niya rin iyong sakit na nararamdaman mo. Iyong lalaking/babaeng laging nandyan lang para sa'yo, pinapasaya ka kapag malungkot ka, iyong lalaking/babaeng kapag kailangan mo siya kahit hindi mo sabihin alam na niya kasi nararamdaman niya, iyong lalaking/babaeng kasama mo sa hirap at ginhawa at iyong lalaking/babaeng isang ngiti lang niya sa'yo mapapawi na lahat ng sakit na nararamdaman mo. Kapag tinititigan mo siya masasabi mo na lang sa sarili mo, "Ang swerte ko sa lalaking/babaeng ito."
Iyong lalaking/babaeng dinaig pa ang isang fictional character magpakilig at magprotekta sa'yo... Iyong lalaking/babaeng almost perfect na, iyong lalaking/babaeng hinding-hindi susuko sa'yo at iyong lalaking/babaeng maghihintay sa'yo kahit gaano katagal.
Nasa tabi mo na siya, kasama mo na siya. Pero iyong tipong hindi pala kayo... Iyon bang M.U lang kayo.
BINABASA MO ANG
Facts
Teen Fiction[Random blogs] Para sa mga taong nasaktan ngunit naniniwala pa rin sa hiwaga ng pagmamahal.