Pag-ibig

2.5K 44 2
                                    

Pag-ibig: isang masidhing damdamin ng pagtingin o isang emosyon.

Sa pag-ibig lahat nandyan na, dyan ka matututo kung paano bumangon muli, gumising sa umaga na masaya at matulog sa gabi na umiiyak. Sa pag-ibig, dyan ka magiging matatag, magiging matigas in a way na wala ka ng kinikilalang tao para lang sa pagmamahal, kalilimutan mo lahat-lahat para lang sa tinatawag nilang pag-ibig.

Sabi raw nila mapaglaro ang pag-ibig, pero kung tutuusin hindi ang pag-ibig ang mapaglaro... Kundi ang tao mismo.

Masarap magmahal lalo na't mahal ka rin ng taong mahal mo, nakababaliw at ang sarap sa pakiramdam. Ngunit darating din ang panahon na unti-unti mo na mararamdaman ang salitang 'masakit', masakit in a way na ikaw na lang ang nagmamahal. Niloko ka na, ginagago, pinaasa, ginawang tanga... Pero patuloy mo pa rin siyang minamahal.

Pag-ibig iyan eh, kahit gaano kasakit na ang nararamdaman mo nagmamahal ka pa rin...

Ang pag-ibig ay isang emosyon na taglay ng bawat isa upang maramdaman ang saya at sakit sa buhay natin, huwag kang magtaka kung nasasaktan ka o huwag kang magtaka kung iniwan ka niya. Kapag pumasok ka sa isang relasyon o kapag minahal mo ang isang tao sa ayaw at sa gusto mo masasaktan at masasaktan ka rin niya, iiwan at iiwan ka rin niya.

Kapag minahal ka ng taong mahal mo, sulitin mo minsan lang iyan hindi naman iyan pang habang-buhay, kung masusulit mo ang pagmamahal na ibinibigay niya sa iyo wala kang pagsisisihan sa huli.. Kailangan mo itong pangalagaan huwag mong laruin o gaguhin.

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon