"Ano bunso tulala kana lang d'yan o uubusin ko na 'yang french fries mo?" sambit ni kuya.Kasalukuyan kaming nag-aagahan sa isang fast food chain na malapit sa bus terminal.
Napabuntong hininga ako bago nagsalita, "Kuya hindi ba p'wedeng magpahinga muna?"
"Pahinga? Pahinga sa pagkain gano'n? Nakakapagod pala 'yon. Akin na nga lang 'yan. Kawawang pagkain hindi napapansin."
Hinablot ko ang fries na kukunin sana ni kuya at agad itong kinain.
"Kung ikasasaya mo ang pagkain ko, heto na." sambit ko nang sarkastiko.
"Mas sasaya ako kung binigay mo nalang 'yan sa'kin." sambit niya at itinuon ulit ang atensyon sa pagkain niya.
"Takaw." pahabol na pang-asar ko.
Natahimik naman siya, dahilan para matulala ako ulit. Agad na namang lumitaw sa isipan ko ang mga tanong.
Si Nacio ba talaga ang nakita ko kanina? Imposible baka guni-guni ko lang.
Pero siya talaga 'yun. Mula sa tindig, mata, hitsura ay siyang-siya.
Hindi ako p'wedeng magkamali na pa buntong hininga nalang ako."Tara na, baka maging statwa ka nalang diyan sa pagkatulala," ani ni kuya.
Hindi ko napansin na kanina pa pala niya ubos ang pagkain niya.
Tumango naman nalang ako, at agad na kaming nagtungo sa parking lot kung saan nakapark ang kotse.
Pagkaupo ko palang ay nagsalampak na 'ko ng earphone para sandaling ibaling ang atensyon ko sa iba. At matigil muna ang pag-iisip ko.
Pagkadating sa bahay agad akong umakyat sa k'warto tatawagan ko si Clair 'di ko pa naman nasagot tawag niya.
Nakadalawang miss call ako bago may sumagot, "Hello?"
Nabigla ako nang lalaki ang sumagot sa tawag. Tiningnan ko ulit kung tama ba ang natawagan kong numero, tama naman.
"Hello Clair? Sino ka? Asa-"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay narinig kong pinatay na ng tao sa kabilang linya ang tawag.
Ano ba'ng nangyayari?
Humiga nalang ako sa kama habang nakatitig sa kawalan. Simula nang dumating ako rito kung ano-ano nang mga 'di kapani-paniwalang bagay ang nararanasan ko.
Paniginip lang ba 'to?
O isang bangungot..
O baka naman nababaliw na 'ko kaya naghahallucinate na 'ko ng mga bagay-bagay.
Imposible naman siguro, lahat ay nararamdaman kong totoo.
Ilang sandali pa, nakarinig ako nang katok
"Dea? and'yan ka ba?" sambit ni mama, sinabihan ko naman siyang pumasok nalang.
Pagkapasok niya ay agad akong napaupo sa gilid ng kama.
"Tara, shopping tayo nak, sa susunod na linggo may pupuntahan tayong kasal." sambit niya tumango naman ako at nagpaalam na magpapalit lang ng damit.
"Sige bilisan mo at anong oras na do'n na rin tayo magtanghalian." tugon niya bago lumabas ng k'warto.
Nagbihis na 'ko, inilagay ko na ang damit ko na pinili kanina ni Kuya Danic, naiinis lang ako pagnakikita 'yon.
Kumuha nalang ako nang kahit ano sa cabinet at nagsuklay nang saglit.
Pagbaba ko wala ay roon si mama, kaya pumunta pa 'ko sa labas, pero bigo akong makita siya.
Ang tagal ko ba asa'n na si mama?
Tingin dito, tingin doon, pero wala pa rin.
BINABASA MO ANG
Take Me Back in Time #Wattys2019Winner
Historical Fiction"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover her past, as her family decide to move to their hometown in Legazpi. It is a tranquil rural place, w...