Tulala lang akong nakatitig sa kawalan habang nakatanaw lang sa bintana ng k'warto ko. Iniwan ko muna si Kuya Rheden dahil nais niyang mapag-isa.Inamin sa'kin ni kuya na may namamagitan sa kanilang dalawa ni Marina, kaya may karapatan siyang magalit dahil iniwan siya nitong walang paalam.
Habang ang sa'min ni Nacio walang kasiguraduhan. Sino ba naman ako para magalit? 'Di hamak na magkaibigan lang naman kami at ang halik na iyon siguro, nadala lang siya ng emosyon niya. Ako lang siguro itong umaasa.
Napabuntong hininga nalang ako. Nakakapagpabagabag sa isip. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit. Ang hirap namang umasa sa isang bagay na hindi mo alam kung nagtapos na o may babalikan pa.
Palagi itong nahahati sa dalawang magkasalungat na tanong, kung aasa o lilimot, kung tatangapin mo bang wala na o maghihintay.
Isang taong lumisan ng walang paalam. Ito naman ako mananatiling magmumuni-muni kung bakit. Anong rason?
Agad kong pinusan ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Sanay naman akong na iiwan, pero sana naman magsabi manlang. Ilang taon ba siya mamamalagi sa Europa? Maghihintay pa ba 'ko? Kailan? Gaano katagal?
Kung maaari lang na mapalipas ng panahon sa kasalukuyan ay gagawin ko, kaso habang nasa kasalukuyan tumitigil naman ang oras dito. 'Yon ang sinabi ni Aling Lenny, sapagka't may nakakaalam na ng mga nangyayari.
***
Lumipas ang dalawang araw na hindi ako natutulog sa kama ko. Nagsasapin lang ako sa lapag, para hindi ako bumalik sa kasalukuyan.
Dalawang araw din ang lumipas nang pagmumukmok ko rito sa k'warto. Ayokong lumabas kaya dinadalhan nalang ako ni Leonora ng pagkain. Ilang beses na rin akong pinanik dito sa taas ni ina para tingnan kung may sakit ako at kung bakit parehas kami ni kuya na tila nagmumumok lang sa k'warto.
Nagdahilan na lang ako at naniwala naman siya na kasagsagan ng pagdaloy ng pulang likido ko at sobrang sakit nito kaya 'di ako masyado makakilos.
Ngayon na ang ikatlong araw, ikatlong araw na wala si Nacio. Wala pa rin akong nasasagap na balita kay Kuya Rheden mula sa kanya. Siguro ay nasa Maynila pa lang sila ngayon.
Bumalik ako sa sarili nang biglang may kumatok. Siguradong si Leonora 'to. Magtatanghalian na rin, kaya malamang andito na siya para maghatid ng pagkain.
"Bukas 'yan."
Narinig ko naman ang mga yapak niya, pero 'di ko siya nakikita dahil nakahiga akong nakatalikod sa kinaroroonan niya. Hinihintay ko nalang ang pag lapag niya ng pagkain sa study table.
Pero lumipas ang ilang minuto, wala pa rin akong naririnig na paglapag ng mga kubyertos.
"Guess your still asleep huh."
Ang boses na yon...
Si George, nako naman. Hindi na bago pinaghandaan ko na rin ang araw na ito. Lalo pa't sabi ni Inang Rosella ay anumang araw ay pupunta rito si George.
Naramdaman ko ang pag-uga ng kama umupo siya sa dulo ng kama ko.
"Sleepy head your room is nice," sambit niya sa malalim na boses.
Ilang saglit pa nagsalita ito ulit.
"It's already afternoon. Fely come on wake up."
Naramdaman ko ang pag-uga niya sa balikat ko para gisingin ako, pero nag tulog-tulugan pa rin ako.
"My dad won't stop on telling me to go out with you, I told him to give both of us time. I don't want to scare you by appearing every now and then."
BINABASA MO ANG
Take Me Back in Time #Wattys2019Winner
Ficción histórica"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover her past, as her family decide to move to their hometown in Legazpi. It is a tranquil rural place, w...