Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng dahil sa gulat, kaya si Nacio na mismo ang humigit sa akin palayo sa nabasag na plorera.Lumabas naman si Ina at agad na niyakap si Kuya Rheden, "Mabuti naman at umuwi ka, hindi ko na malaman ang aking gagawin."
Napahagulhol si Ina sa bisig ni Kuya Rheden. Maging ako ay tumutulo na rin ang luha.
"Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari Ina. Mabuti na nga lang at pinuntahan ako ni Nacio nang marinig niya ang pag-uusap ni Sita at kaibigan nito, tinanggalan pala niya kayo ng dalawang kasambahay iyon na nga lang ang natitira sa atin. Ngayon ko rin lang nalaman na naglalako ka na ng mga binurda at tinahing damit at wala na pala ang ating sakahan." Napayuko si Kuya Rheden sabay nang paninigas ng kaniyang kamay. Agad naman itong hinawakan ni ina.
Napadako naman ang tingin nila ngayon kay Nacio na hawak-hawak pa rin ang palapulsuhan ko.
"Hindi ba't ikakasal ka na iho? Bakit naririto ka pa? Hindi ko na gugustuhing madamay pa ang aming pamilya, oras na malaman na naririto ka," saad ni ina at matalim na tiningnan si Nacio.
Bago magsalita, nagbigay galang muna si Nacio kay Ina.
"Humingi ho ako ng kaunting oras kay Ama, para patunayang walang dinadalang anak si Sita. Bukod doon nais ko ring bisitahin ang aking Ina. Pigilan man ako ni Sita ay wala na siyang nagawa. Ninais pa nga niyang sumama ngunit hindi maaari dahil binabantayan nila ang pagbubuntis nito." Napabuntong hininga si Nacio bago muling nagsalita.
"Hindi rin kumbisido si ama sa sinasabi ni Sita lalo na't alam niyang ilang buwan pa lang ang minamalagi ko rito sa Pilipinas," Napatingin siya sa akin, "Nais ko rin hong ipabatid na handang tumulong ang aking Ama sa inyo."
Mas lalong humigpit ang hawak ni Nacio sa aking pulso.
At natulala naman si Ina sa tabi ni Kuya Rheden. Napaluhod ito sabay humagulhol.
Agad naman kaming pumuntang dalawa sa tabi nila.
"Hindi ko aakalaing mangyayari ito sa ating pamilya," Agad ko siyang niyakap habang tumutulo na rin ang luha 'Patawad Ina'
"At hindi ko nanaising humingi ng tulong sa ama ng taong naging dahilan ng pagkalumok ng aming pamilya!" Sigaw nito kay Nacio. Agad naman akong napaatras sa takot. Ngayon ko lang nakitang naging ganito si ina. Akmang tatayo na siya pero hinawakan siya ni Kuya Rheden sa magkabilang braso para pakalmahin at pigilan ang pagsugod nito kay Nacio.
"Ina, maghunos dili ka walang kasalanan si Nacio at ang kaniyang pamilya, kung may dapat mang sisihin rito si Sita iyon," saad ni Kuya Rheden.
Napatigil naman si Ina at ilang saglit na tumulala, "Pasensiya ka na Iho, nawawala na ako sa aking sarili ngunit hangga't maaari at para makaiwas sa gulo maaari bang..." Ilang saglit natigilan si Ina bago nakapagsalita,
"Layuan mo na ang aming pamilya."
Napahawak ako ng mahigpit kay Nacio, "I-na," lang tanging nasambit ko.
"Layuan mo na ang lalaking 'yan Felicita," may diin niyang sabi. Napahawak siya sa kaniyang sentido, at inalalayan naman siya ni kuya na tumayo.
"Ngunit ina matalik-" Susumba't pa sana si Kuya Rheden pero tiningnan na lamang siya nang matalim ni ina.
"Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna ina," saad ni Kuya Rheden.
Nilingon niya naman ako, agad naman akong tumango, "K-ami na ang bahala sa pagliligpit dito."
Tahimik lang namin na pinagmasdan sila Ina habang umaakyat at nang makaakyat na agad akong napaluhod at napahagulhol.
Ngunit agad din akong natigilan ng maramdaman ang pagyakap ni Nacio sa likod ko.
"Kumusta ka? Sobra akong nag-alala. Halos mabaliw ako sa kakaisip kung paano makakapunta rito." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
Walang tigil pa rin ako sa pag-iyak nang iniharap niya ako sa kaniya. Bahagya naman akong napaatras dahil sa gulat nang dumaplis nang kaunti ang aming mga labi.
Nakangiti siya sa akin, ngunit kay lungkot ng kanyang tsokolate niyang mga mata.
Sa kung paanong ang mga matang iyon ang naging dahilan ng kasiyahan ko. At ang taong nagmamay-ari nito, ang naging mundo ko.
Hinawakan ko ang mga pisngi niya at pinakatitigan ang mukha niya.
"Hinding-hindi kita makakalimutan," sambit ko.
Nakatulala lang siya, at hindi rumeresponde.
Akmang tatayo na ako para kumuha ng walis at linisin ang nagkalat na babasagin na mula sa plorera nang higitan niya ako pabalik...
At agad na siniil ang mga labi namin sa isa't-isa.
"Hindi mo nga ako makakalimutan, dahil ako ang magiging kasa-kasama mo habang buhay."
Hindi ako nakagalaw matapos ang nangyari, para akong naestatwa.
"Kumusta na ang mga galos mo?"
Inobserbahan ni Nacio ang leeg at mga braso ko. Marahan niya rin itong hinahawakan.
At hindi ko naman mapigilang makiliti sa ginagawa niya at matawa sa reaksyon niya na sobrang seryoso.
"Teka, anong nakakatawa Leonidas Felicita?" sambit niya ng pabiro.
Napangisi siya nang mapagtanto kung bakit ako natatawa, at agad na kiniliti ako sa aking tiyan.
Tumakbo ako agad nang maialis ko ang mga kamay niya sa tiyan ko. Ngunit nahigit din niya ako pabalik, dahil makakatapak na sana ako ng bubog.
Hindi pa nga pala kami nakakapaglinis.
At heto, nakahawak siya sa bewang ko, at nakayakap naman ako sa kan'ya ng madatnan kami ni kuya.
"Ehem, mga bata. Nakatulog na lamang si ina at lahat-lahat hindi pa rin kayo nakakapaglinis."
Marahan akong binitawan ni Nacio at dinampot ang walis, "Ako na ang bahala rito, Mahal ko."
...
Parehas kaming napabuka ang bibig sa gulat ni kuya.
"Aba, aba baka iyong nakakalimutan na ikakasal ka na Nasing," saad ni kuya na agad na nagpatahimik sa amin.
"Ikakasal sa aking kapatid, hindi ba?" Sabay ngiti nito.
Ngunit hindi kami kumibo.
"Ay! biro lamang kayo namang dalawa. Bilisan ni'yo na't sunduin ninyo si Marina. Hindi ko maaaring iwanan si ina rito gayong gan'to ang kan'yang kalagayan." Napatingin kaming dalawa sa kan'ya at parehas na umiling.
"Bahala ka riyan!" sambit ko at napabusangot.
Lumapit naman sa akin si kuya, "Patawad na bunsoy! Aba'y hindi ka naman mabiro. Sige na at sunduin ni'yo si Marina at maaari na kayong bumisita ni Nacio sa kanila. Pagtatakpan na lamang kita kay Ina."
Nagkatitigan kaming dalawa ni Nacio at agad napatango bilang pagsang-ayon.
--
Paumanhin kung natagalan ang update, isinaad ko namang graduating ang ati niyo. Pangako babawi si awtor nang bongga!
Salamat sa pagbabasa ❤
BINABASA MO ANG
Take Me Back in Time #Wattys2019Winner
Historical Fiction"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover her past, as her family decide to move to their hometown in Legazpi. It is a tranquil rural place, w...