Kabanata 27

3.2K 147 12
                                    


Nagising ako bigla dahil sa isang katok. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

"Señora, magtatanghalian na po," rinig kong sabi ni Leonora.

Lumapit naman ako sa may pinto at agad na pinagbuksan siya.

"Wala akong gana ngayon Leonora."

"Nako, Señora," sabay takip niya ng bibig at hawak sa magkabilang balikat ko.

Nagtaka naman ako dahil sa reaksyon niya, "Ano 'yon Leonora?"

"Namamaga po inyong mga mata," natatarantang sabi niya.

"Nakagat ata ng ipis," sabay hawak ko sa magkabilang mata ko. Alam kong hindi naman ito ang rason kung bakit namamaga ang mata ko.

"Mukhang hindi naman po kagat ng ipis yan, umiyak po ba kayo?"

Hindi ko naman siya masagot at diretsong nakatulala lang ako sa kan'ya.

"Dadalhan ko na lamang po kayo ng makakain," akmang aalis na sana siya nang magsalita si Kuya Rheden na hindi ko namalayang napadaan pala sa k'warto ko.

"Hindi na Leonora sasalo siya sa hapag," seryosong sambit ni kuya.

"Ngunit bago iyon mabuti pa't mag-ayos ka muna at magpalit ng kasuotan," napatingin naman ako sa suot ko, ito pa rin pala ang suot ko mula kaninang dumating kami. Gulo-gulo rin ang buhok ko.

Nag-ayos na ako at naglagay ng kaunting pulbos, para matakpan kahit papaano ang namamaga kong mata.

Naglagay na rin ako ng kaunting kolorete na magmumukhang natural lamang. Nagpalit lang ako ng simpleng blusa at palda na binurda pa ni ina at lumabas na.

"Felicita," napatalon naman ako sa gulat dahil sa biglang pagbungad ni George.

"You scared the hell out of me," malumanay kong sabi habang nakahawak sa dibdib.

Natawa lang siya sa sinambit ko at agad na kaming bumaba. 

Napatigil ako nang marinig ang halakhakan na nagmumula sa hapag. Agad akong nanginig at binalak na tumaas na lang, pero agad ring nahawakan ni George ang palapulsuhan ko.

"Anong problema?" pabulong niyang sabi. Natatakot pa rin siguro siyang may ibang makarinig na marunong siyang magfilipino.

Umiling-iling lang ako at napayuko.

"Masama ba ang iyong pakiramdam? May dala pa naman akong mangga, paborito mo 'yon hindi ba?" pagtatanong niya.

Bigla naman lumiwanag ang mukha ko, "Talaga?"

"Aba, mas maliwanag pa sa araw ang ngiti mo dahil sa mangga ah, nakakasilaw," sabay takip niya kunwari sa mga mata niya na ikinatawa ko.

"And'yan na pala kayo sumalo na kayo rito anak," masiglang sabi ni ina.

Bigla naman akong napatigil sa pagtawa nang makita kong nakatingin na silang lahat sa'min ngayon maging si Nacio at Sita na magkatabi sa hapag.

Nagdadalawang isip man ay nagtungo nalang ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ni ina. Naupo naman naupo si George sa tabi ko.

Iba't-ibang putahe ang nakahain may prito, sabaw at meron ding may mga sarsa na 'di ko alam ang tawag. Animo'y may handaan dahil sa dami ng pagkain.

"Wait, I think one delicacy is missing eh?" singit ni George sa gitna ng tawanan at pag-uusap ni General McDermott, 'Tay Florentino at si Nacio.

Agad namang itong naka-agaw ng pansin nila at napatingin sa amin.

"Would you mind, I'll just get the indian mangoes," napangiti ito sabay tingin sa'kin, "Felicita's favorite," napatango nalang ako bilang pagtugon.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo Fely ah."

Napatingin naman ako sa nagsalita...

Si Sita.

"That's a good sign Florentino I'm pleased," sambit ni General McDermott.

Ilang sandali pa ay dumating na si George, "Here you go," at inabot sa'kin  ang mga manggang nakahiwa na.

"Wow, thank you so much!" masayang saad ko at kumuha agad ng isang piraso.

"Basta ba ikaw," bulong niya sa mga tenga ko.

Bigla naman kaming nagulat dahil sa biglaang pagbagsak ng mga kubyertos ng taong nasa harap ko.

"Paumanhin," matigas na sabi ni Nacio.

"Excuse me," Agad na itong napatayo na sinundan naman ng tingin naming lahat.

"Would you excuse us," ani ni Sita at tumayo na rin. Sinundan nito si Nacio.

Nang makaalis sila ay bumalot ang sandaling katahimikan sa buong silid.

"C'mon lets eat. Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain," sambit ni 'Tay Florentino.

Nagpatuloy na kaming kumain nang mapansin kong wala rin sa hapag na ito at mula kanina pa si Marina.

Kung magkasama silang umalis ni Nacio ay bakit wala siya rito? Hindi kaya nauna na siya patungong Europa?

Napadako naman ang tingin ko kay kuya na wala pa ring kalaman-laman ang plato at tulalang nakatitig lang sa kawalan.

"Rheden are you not feeling well?" alalang tanong ni ina.

Nang walang matanggap na sagot ay agad niyang inulit-ulit ang sinabi.

Bahagya namang tumingin sa'min si kuya. Kinabahan naman ako dahil namumutla siya at matamlay.

Lumapit agad si ina nang mapansin din ang pamumutla ni kuya. Niyapos nito ang kan'yang noo.

"Ay jusko maryosep, inaapoy ka ng lagnat Florante," hysterical na sambit niya.

Inutusan naman ni 'Tay Florentino sila Leonora na kumuha ng tuwalya at balde ng tubig kasama na rin ang gamot na lagi niyang binabaon. Habang inalalayan naman ni ina si kuya patungo sa taas sa kan'yang k'warto.

Napabuntong hininga na lang ako at kahit walang gana ay sinikap ko nalang ubusin ang natitirang pagkain sa aking plato.

***

Ilang oras na ang lumipas. Nagpaalam na rin sila General McDermott at George dahil may importante pa silang gagawin. Naiwan lang akong nagmumukmok dito sa k'warto. Gusto ko sanang puntahan si kuya, pero kabilin-bilinan ni ina na hayaan muna itong magpahinga.

Mag gagabi na at hindi pa rin ako makatulog naisipan ko namang lumabas muna. Walang katao-tao sa paligid madilim din ng kaunti ang mga pasilyong dadaanan bago makababa, kaya dahan-dahan lang ako.

Matagumpay naman akong nakababa  at nakalabas patungong hardin. Napapikit ako at buong lakas na sininghot ang preskong hangin.

Tahimik ko lang na binabagtas ang hardin habang nadadaanan ang iba't-ibang uri ng bulaklak. Mahilig talaga sa mga bulaklak ang pamilya ni Nacio.

Napatigil na lang ako nang madaanan ang napaka pamilyar na bulaklak...

Ang carnation. 

Ngunit bago ko ito mahawakan ay agad akong nagtago sa mga halaman dahil sa mga yapak ng paa na paparating.

Papalapit ito nang papalapit. Naaninag ko naman sila, dahil sa dala-dala ni Sita na lampara.

Kasama niya si Nacio...

Nagtungo sila sa maliit na kubo, hindi ito sarado at walang pintuan mukha lang itong cottage kaya makikita ang nasa loob.

Pero wala akong lakas ng loob na tumingin pa kaya agad akong napatalikod.

Pero nabigo pa rin ako, dahil mula sa aninag na nangagaling sa lampara ay nasaksihan ko...

Na hinalikan ni Nacio si Sita

--

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon