Kabanata 42

3K 132 8
                                    


"Kapatid ko si Nacio sa ina, at si Marina naman sa ama."

Ilang segundo akong natahimik dahil sa pagkagulat, "Paa-no?" pautal kong sabi.

"Kanina ay nasa tahanan ni'yo rin si Ginoong Nacio, ando'n rin si Señorita Marina at sa 'di malamang dahilan, ay bigla nila akong tinawag at kinausap. May nakitang palitan ng sulat ang Ginoo sa pagitan ng kan'yang ina at ama ni Marina. May lihim na relasyon pala ang dalawa, kasama na rin do'n ang katotohanang hindi sila tunay na magkapatid. Nagkaro'n ng bunga ang kanilang pagmamahalan at iyon nga ay ako. Ipinalabas nilang nasa bakasyon ang aking ina para matago ang kan'yang pagbubuntis, at dahil na rin siguro sa takot ay naisip nila akong ibigay sa isang tagapagsilbi na siyang naging magulang ko." Napahikbi si Leonora, agad naman akong tumayo sa pagkakahiga para hawakan ang kamay niya.

Kaya pala...

Kaya pala kamukhang-kamukha niya ang dalawang ate ni Nacio sa larawan na nakita ko.

"Nakasaad din sa liham na nagpapadala sila ng pera sa mga inakala kong magulang. At nang mamatay ang ina ko—ang ina namin ni Nacio, ay tumigil na rin si Señor Arturo sa pagpapadala ng pinansyal. Alam rin niya na ako ang anak niya, at nakikita niya rin ako. Ngunit ang pinakamasakit lang ay, hindi manlang niya naisip na lapitan ako." Tuluyan nang napa-iyak si Leonora. Panay ang hagod ko naman sa likuran niya.

Nagpunas siya ng luha, bago muling nagsalita, "Do'n lang din napagtanto ni Ginoong Nacio a-ng ak-ing k-uya, kung bakit mailap sa kan'ya ang  kan'yang tito. Hindi rin niya lubos maisip na magagawang pagtaksilan ng ina niya ang kan'yang ama."

Panay lang ang hikbi ni Leonora.

"Nais ko ring humingi ng tawad dahil ngayon lang ako nakarating, patawad." Maluha-luha na rin ako, agad ko nalang niyakap si Leonora."

"'Wag mong sisihin ang iyong sarili, wala kang kasalanan," sambit ko habang patuloy na hinahagod ang likod niya, "Alam ko ring hindi maiibsan nang yakap na ito ang sakit na nararamdaman mo. Gusto ko lang malaman mong andito lang ako."

Naramdaman ko namang mas lalong humigpit ang yakap ni Leonora sa 'kin, "Andito lang din ako para sa'yo."

"Siya nga pala..."

Kumalas siya sa yakap at may hinanap sa bulsa niya, ilang sandali pa ay inabot niya na sa 'kin ang isang kwintas na may pendant ng saranggola.

Kumalas siya sa yakap at may hinanap sa bulsa niya, ilang sandali pa ay inabot niya na sa 'kin ang isang kwintas na may pendant ng saranggola

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Paaanong?" takang tanong ko habang  hawak-hawak ang kwintas.

"Napulot 'yan ni Nacio sa k'warto ni Sita. 'Yan din daw dapat ang kwintas naibibigay niya sa'yo bago sila tuluyang byumahe noon sa Maynila."

Napatitig nalang ako sa kwintas, sa pagkakaalam ko ay kinuha ko ito, kaya pala hindi ko na ito nakita pang muli; nahulog pala ito.

Agad kong isinuot ang kwintas.

Kwintas na magpapaala ng pagmamahalan naming dalawa ni Nacio. Kwintas na babaunin ko at aalalahanin ang mga nakahimlay na masasayang gunita rito.

***

"Napakagandang dalaga naman nitong papakasalan mo," sambit ng isang babaeng nag-aayos ng susuotin kong damit.

"Of course," Lumapit sa 'kin si George at agad na hinawakan ako sa tagiliran. 

Napapikit nalang ako, gusto ko mang alisin ang kamay niya sa 'kin ay hindi ko magawa.

"Well, I'll leave you two here. Choose the best gown for my fiancé. I want her to look delicate and pleasing in my eyes and in the eyes of the crowd," sambit niya bago tuluyang umalis sa k'warto.

Pagkaalis ni George ay tinuloy na agad ng babae ang pagsusukat. Habang nanatili naman akong walang imik.

Dalawang araw nalang ay gaganapin na ang pagiging isa namin ni George. Isang bagay na ayaw kong maisip at hindi ko na gustong alalahanin.

Hindi ko pa rin nakikita sila Ina. Hindi sila dumadalaw, o baka hindi sila maaaring dumalaw?

Napabuntong hininga nalang ako.

"Ano ba'ng gusto mong theme ng iyong kasal iha? May gusto ka ba'ng disenyo rito?" Tanong ng babae.

Napailing lang ako, "Kayo na lamang po ang pumili para sa 'kin."

Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata niya ng sabihin ko 'yon at agad na lumabas. Sumakay agad ako sa awto minamaneho ni George.

"Ang bilis mo naman, lahat siguro ng damit ay bumagay na sa'yo kaya 'di kana nahirapang maghanap ano?"

Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya at tumingin lang sa may bintana ng kotse.

Rinig kong napabuntong hininga siya, "Kausapin mo 'ko," tahimik pero may diin niyang sabi.

Napaharap naman ako sa kan'ya ramdam ko pa rin ang takot.

Sa buong pananatili ko sa bahay nila ay ngayon lang ako nakalabas. Ngayon lang din kami makakapag-usap ng pormal.

"Itinuring kitang kaibigan," ang tanging nasambit ko.

"Hindi ko akalaing magagawa mo 'to lahat sa 'kin. Patayin ni'yo na lamang ako," sambit ko habang humihikbi na.

Hindi naman siya nakapagsalita at nakatingin lang diretso sa daan.

"Bakit? Bakit mo 'to nagawa sa 'kin?" pag-ulit ko na nang pasigaw.

Napapatingin naman ang mga taong dumadaan sa amin, dahil transparent ang salamin ng awto at makikita ang loob nito.

Napatigil nalang ako nang makita ang pag-igting ng panga niya, "Tumigil ka na, para rin naman 'to sa iyong pamilya," malumanay niyang sabi, halata ko naman ang pagpipigil sa boses niya.

"Pamilya? Hindi ninyo nga sila pinapayagang dumalaw sa 'kin! Mamatay na lamang ako sa lungkot at pighati!" Napatakip ako ng mata at napapunas ng luha.

Rinig ko ang pagbukas niya ng makina at pag-andar ng awto. Habang patuloy pa rin ako sa paghikbi.

"Sabay na lamang tayong mamatay," sambit niya na ikinagulat ko.

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan. Hinakawan ko naman siya sa braso para patigilin, pero mukhang determinado siyang ipabanga ang awto.

"Tumigil ka na," pagmamakaawa ko.

"Hindi ba't ito naman ang gusto mo?! Hindi mo manlang mapansin ang pagtingin ko sa'yo. Lahat ng sakrispisyo ay ginawa ko naman mapabuti lang ang iyong pamilya at hindi kayo maghirap!"

Napatahimik ako sa pagsigaw niya.

"Oo! Ako ang nagbigay ng suhestiyong mababalik ang lahat ng pag-aari ninyo, ngunit ikaw ang magiging kapalit."

Nagulat naman ako ng makita ang mga luha niya sa pisngi, "Ang gusto ko lang ay ang ikabubuti mo, at ng iyong pamilya kahit alam kong may iba kang minamahal."

Napatingin siya sa'kin, maging sa kwintas na suot-suot ko.

"Pumikit ka at sabay nalang tayong mawala. Ito nalang din naman ang ikagagaan ng loob ko. Patawad sa lahat ng nagawa ko sa'yo."

Sambit niya at kasabay no'n ang pagbagsak ng sasakyan namin sa ilog.

Napapikit nalang ako, at napahawak sa kwintas.

--

OST ng Take me Back in Time ang Himig ng Pag-ibig ng Asin. ❤
Ito ay kinover ni Paraluman, kindly check out her youtube videos.

Maraming salamat sa pagbabasa. :)

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon