Kabanata 8

6.6K 210 1
                                    

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko medyo malabo pa hanggang sa unti-unti nang naging malinaw.

Isang malaking k'wartong malamig ang bumungad sa'kin. Walang talab ang kumot na nakayakap sa buo kong katawan.

Tumingin-tingin ako sa paligid, pero isang lampshade lang na nakabukas ang nakita ko. Nakaramdam na rin ako nang pagkauhaw kaya dahan-dahan kong ginalaw ang mga paa ko, pero mukhang hindi pa kaya.

Bukod do'n feeling ko gutom na gutom din ako.

May nakita naman akong mga prutas sa tabi ng kama ko nakalagay sa maliit na desk. Inabot ko 'yon at nakakuha ng isang grapes isang piraso lang talaga.

Inabot ko pa ulit 'to kaso hindi na talaga kaya.

Napatahimik ako saglit dahil sa ingay sa labas ng k'warto. Unti-unti nang nagbubukas ang pinto kaya nag tulug-tulugan na muna ko, para marinig kung sino ang kinakausap ni kuya.

Mukha kasing nag away sila ni Ate Aries. Si Ate Aries ang pag-ibig ni kuya. At dahil na rin sa sobrang tahimik ay maririnig mo ang choppy na boses ni Ate Aries.

"Ano? Bakit kailan pa?" mataas na tonong tugon ni kuya. Sinundan pa ito nang, "Sorry I wasn't there for you."

"Uuwi ako sa oras na maging maayos ang kalagayan ni Deane promise just please dont-" rinig ko ang paglalakad ni kuya ng pabalik-balik.

"Aries please let me-" Pagkatapos n'yon ay narinig ko na ang tunog na nag end na ang tawag.

Nakahinga ako ng maluwag nang matapos na 'to, pero 'di ko rin inaasahang maririnig kay kuya ang...

Pag-iyak.

Hindi ko naman alam kung anong gagawin, kung papatahanin ko ba siya o tatawanan dahil ngayon ko lang siya nakitang umiyak.

"Iyakin," ang tanging na sambit ko.

Bahagyang napatingin sa'kin si kuya. Lumapit ito at niyakap ako. Alam ko namang nagpunas lang siya ng luha sa likod ko, "Iyakin ka diyan, puwing lang 'to."

Napasinghot siya at muling nagsalita, habang nakayakap pa rin, "Buti gising kana bunso." Bumitiw na siya sa yakap at nag-iwas nang tingin.

"Narinig ko kasi na may umiiyak. Napakalakas nagising tuloy ako," pagbibiro kong sabi.

Pinat niya ang ulo ko, "Ang kulit, puwing nga 'to."

"Bakit ka naman mapupuwing sa arconized na lugar kuya?" tanong ko, na nagpabigla sa kanya. "Oh, ayan huli ka, pero 'di ka kulong." pagbibiro ko, at ako na mismo ang tawang-tawa sa sarili kong biro.

Napakamot nalang siya ng ulo, "S'yempre ano, kasi um-ah, oo lumabas ako kanina," pagdadahilan niya.

"Okay kuya p'wede ka nang gumawa ng website palusot.com," sabay tawa kong muli.

"Hindi pa nga maganda ang kalagayan mo, pero 'yang kakulitan mo hindi manlang nakakaramdam ng sakit," sabi niya sabay pisil ng makabila kong pisngi.

Napahimas ako sa pisngi ko nang matapos niyang pisilin ito,"Mana-mana lang."

Hindi na 'yon nasundan nang pangbabara niya. Malungkot nga talaga si kuya.

"Tatawagan ko na sila mama, para hindi na sila mag-alala. Umalis kasi si mama nag-away sila ni papa." Napabuntong hininga siya bago nagsalita muli, "Kaya 'yon sinundan siya ni papa."

Teka-teka, ba't naman puro pag-aaway?

"Bakit sila nag-away kuya?" tanong ko.

"Hindi pagkaka-unawaan lang bunso. Osha, tatawagin ko na ang nurse para macheck na ang kalagayan mo," saad niya sabay labas na ng k'warto

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon