Kabanata 50

3.8K 128 13
                                    


Abala sa pag-aayos ang isang dalagita. Puno ng pangrolyo ng buhok ang kaniyang ulo. Nakaayos na rin ang kaniyang mukha. Ngayon ay masusi niyang tinitingnan ang mga bestida, at pag nagugustuhan ang disenyo ay isinusuot ito kung babagay.

"Iba talaga magpaganda kapag ang iniibig ang makakasama," sambit na pang-asar ni Marina kay Felicita.

"Mabuti na nga lang at nagpahiram ng mga bestida si Lucila, kay dami niyang damit na magaganda mukhang bago't hindi pa nasusuot," tugon ni Felicita kay Marina. Hindi na niya pinansin ang panunukso nito.

"Aba'y galing sa Europa. Halos lahat nga raw ng damit na iyan ay hindi manlang niya nagamit kaya't pinadala na lamang niya rito sa Pilipinas," natigil sa pagsasalita si Marina na animo'y nag-iisip. Ilang saglit lang ay muling itong nagsalita, "Sa tingin ko ay babagay sa'yo ang pulang kulay. May kung anong mahika ang pula bukod do'n ay kaakit-akit din ito sa mata."

Tiningnan naman ni Felicita ang mga pulang bestida na sinasabi ni Marina, kinuha niya itong lahat staka nagpunta sa isang silid at sinukat.

Ilang minutong naghintay si Marina kay Felicita. Makakatulog na lamang siya ay wala pa rin ang dalaga. Napapansin niya rin nitong mga nakaraang araw na madalas ang pagkaantukin niya. Dulot lamang siguro ng kaniyang pagbubuntis, pinakatitigan niya ang kaniyang tiyan, at napangiti na lamang.

Hindi na rin niya napansin na nakalabas na si Felicita. Suot-suot nito ang pulang bestidang pinaka nagustuhan niya ang disenyo. Simple lang ito, ngunit napaka elegante kung tingnan. Inilugay at tinanggal niya na rin ang mga rolyo sa kaniyang buhok. Handang-handa na siyang umalis.

"Ano bagay ba? Ito ang pinaka nagustuhan ko," sambit ni Felicita at sabay pomustura.

Napatingin naman si Marina at namangha sa dalaga, "Aba'y sa gayak mong 'yan sigurong magkakapinsan agad ang aking magiging anak."

Nagtawanan naman silang dalawa, "Nako't hindi muna, nais ko munang makamit namin ang mga pangarap namin nang sabay. Bukod do'n ay kapos pa sa pinansyal."

Napadighay si Marina bago nagsalita, "Malapit na namang magtapos ang aking pinsan," panunukso niya sabay kindat kay Felicita.

"Nako, sigurong matutuwang may kalaro ang aking magiging anak." pahabol pa ni Marina na tinawanan na lamang ni Felicita.

"Magpakasaya kayo," habilin nito.

Binalikan siya muli ni Felicita para pasalamatan, at staka niyakap.

Bago bumaba ay kinapa ni Felicita ang kaniyang bulsa. Nang makapa ang singsing na bigay ni Nacio ay kaagad niya itong sinuot.

Pagkaraan ay dumiretso na siya sa may hagdan. Do'n ay sinalubong siya ni Fabio na nakapangwaiter ang panggayak. Humawak siya sa braso nito pawang ngiti lang ang naging pangungusap nila hanggang sa naihatid na siya ni Fabio sa may bakuran. Do'n ay naaninag ni Felicita si Caloy na nagsasalin ng tsaa sa mga maliliit na baso. Nginitian siya nito.

"Napakagandang dalaga naman nito," animo ni Caloy at lumapit kaagad sa kaniya para bumeso at hawiin ang kulot niyang mga buhok.

"At ikaw din," tugon ni Felicita bago tumungo si Caloy sa loob ng tahanan.

Napabuntong hininga si Felicita siya na lamang ang naiwan sa bakuran. Pinagmasdan niya ang paligid; tahimik at payapa ang hapon.

May kung ano sa hapon na lubos na nagugustuhan ng mga tao. Hindi gaano kadilim, hindi gaano kaliwanag. Hindi gaanong kainit at hindi rin ganoon kalamig. Balanse ang mga bagay tuwing hapon.

Balanseng pakiramdam na nararamdaman lamang ng ilang oras. Balanseng sandaling panahon sa lahat ng sobra at kulang sa umaga, tanghali at gabi.

Pinagmasdan niya ang lamesa sa gitna ng hardin. Puno ito ng kandila, bulaklak at mga kubyertos. Binalak niya munang maglibot bago umupo.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon