Kabanata 53

2.4K 112 2
                                    


Nagising si Felicita sa hampas ng isang bagay na hindi niya malaman kung ano. Nakagapos nang napakahigpit ang mga kamay niya. Nananakit ang mga braso niya dahil rito.

Hinahanap kaagad ng paningin niya ang tatlong taong mahalaga sa kanya, ngunit mag-isa lang siya sa selda. Walang tao at madilim ang paligid.

Naisipan niyang kumawala sa pagkakatali ngunit masyado itong mahigpit. Hindi rin siya makagalaw dahil nakagapos ang mga paa niya.

Sa isip-isip, niya hindi niya maintindihan kung bakit kailangan na nakagapos pa siya kung nasa loob naman ng selda. Maya-maya pa sa kalagitnaan ng kaniyang pag-iisip, dumating ang isang sundalong may hawak na pagkain.

Napatingin kaagad si Felicita dahil sa tunog ng sapatos nito. Hindi pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya.

"Kumain ka muna, bago kita ilabas. Siguradong mawawalan ka ng enerhiya mamaya," saad nito at inilapag ang pagkain sa harap ni Felicita. Sunod ay umupo ito sa harap niya at akmang susubuan siya.

Itinagilid naman ni Felicita ang kaniyang mukha nang makalapit ang kutsara.

Napabuntong hininga ito at nilapag ang kutsara, "Wala 'tong lason, ako ang nagluto."

Akmang susubuan siya ulit nito nang bigla siyang magsalita, "Asa'n sila? Kumusta si Caloy? Ang lalaking binaril niyo," pagtatanong at diretsahang saad ni Felicita.

"Hindi kami pinapayagan maglabas ng impormasyon sa inyo o kausapin kayo sa personal na mga bagay, lalo pa't malaki ang nilabag niyong kasalanan," tugon ng lalaki.

"Kahit sabihin mo lang kung nasa maayos silang kalagayan?" pagtatanong muli ni Felicita.

Tumango naman ang lalaki, kaya't nakahinga nang maluwag kahit papaano ang dalaga.

"Hindi ka ba talaga kakain?" tanong ng sundalo. Ngunit hindi sumagot si Felicita.

Tumayo nalang ang sundalo at inilapag ang pagkain sa gilid. Muli siyang bumalik kay Felicita at tinanggal ang mga gapos nito sa paa, "Pasensya ka na pinag-utusan lang, kailangan kitang gapusin kaagad bago kita ihatid sa lugar kung nasa'n iyong kapatid. Mas madaling gawin 'yon kanina pagkat tulog ka pa."

Pagkatapos alisin ang mga gapos sa paa ay staka niya pinatayo si Felicita. Nakakaramdam ng hindi maganda ang dalaga. Alam niyang hindi nila pagkikitaing dalawa ng basta-basta. 'Masama ito' sambit niya sa kaniyang isipan.

Habang naglalakad ay bumabalot kay Felicita ang iba't-ibang uri ng emosyon. Kaunting kasiyahan dahil kahit papaano ay makikita niya ang kapatid. Pag-aalala kay Caloy, sa kanilang sitwasyon at kayla Marina. Hindi kasi siya sigurado kung nakatakas din sila. At ang panghuli ang labis na lungkot at pangungulila. Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit labis niyang inaasam na mayakap at maramdaman ang init mula sa minamahal na si Nacio.

Tumigil sila sa paglalakad. Hindi na namalayan ni Felicita na nandito na sila, sa harap ng isang itim na pinto. Hindi ito isang selda na kinakunot ng kaniyang noo.

Bakit wala sa selda ang kaniyang kapatid?

Binuksan kaagad ng sundalo ang pinto at staka sinenyasan si Felicitang pumasok.

Halos manlumo at madurog si Felicita nang makita ang kalagayan ng kapatid. Puno ng dugo ang kinauupuan nito. Walang saplot pang-itaas, ang kaniyang buong dibdib ay napupuno ng galos at mga pasa. Nakatali rin ang kaniyang dalawang kamay at mga paa.

Nakapikit ang mga mata ni Rheden. Nawalan na ito ng malay dahil sa sakit na kaniyang dinanas buong gabi.

Sisigaw na sana sa galit si Felicita, ngunit tinakpan kaagad ng sundalong kaniyang kasama ang bibig niya.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon