Ang buong akala ko si Nacio ang masisilayan ko.Tulala ko lang na tinitingnan si George. Alam kong dismayado siya sa nangyari, ngunit bakit kailangan niya pa akong pakitaan ng ngiti niya? Ito ba ang paraan niya ng pagpapakita na masaya siyang lugmok na ang aming pamilya?
Nakabusangot lang akong nakatingin sa kaniya, isasarado ko na sana ang mga bintana ng bigla siyang magsalita, "Sabi ni Nacio paborito mo raw itong laruin noong bata ka."
Bakit kailangan niya pang bangitin ang pangalan ni Nacio? "Makinig ka Fely, alam kong mahirap ito para sa'yo. Gusto kitang sagipin, may binabalak si Ama. Ayokong madamay ka. Humingi ka ng tawad kay Ama sabihin mong nagsisi ka para matuloy ang kasal at maliligtas ang inyong pamilya."
Agad akong umiling sa mga sinabi niya, "Hindi, gumagawa ng paraan si Ama."
Huminga siya nang malalim. "Ito na ang paraan ng iyong Ama. Nagkausap na kami sinabi ko rin sa kan'ya ang plano ng Heneral."
"Mayroon ka lamang isang linggo para magdesisyon. Alam kong hindi ako ang iniibig mo. Ngunit sana pagbuksan mo ang iyong puso sa ibang tao. Lalo na kung ito lang ang tanging paraan para masagip ang inyong mga ari-arian."
Nanginig ang mga labi ko sa sinabi ni George, "Anong ang iyong nais ipahiwatig?"
"Sa mga susunod na araw maiintindihan mo ito, kailangan mong magdesisyon agad Felicita."
Napabuntong hininga ako, "Hayaan mo akong makapag-isip."
***
Tulala lang akong nakatitig sa may bintana. Gabi na. Tahimik.
Ito na siguro ang pinaka malungkot na gabi ng buhay ko. Wala pa rin si Ina sa bahay. Wala si Ama, wala rin si Kuya Rheden...
Wala si Nacio.
Ayokong isipin na iniwan nila ako. Alam kong may mga importanteng bagay silang inaasikaso. Ngunit sa gan'tong panahon na may problema, ang hirap namang harapin ito ng mag-isa.
Lumabas ako sandali para magpunta sa palikuran. Nakasalubong ko naman ang dalawang kasambahay na pawang nagmamadali at may dalang mga maleta, "Teka saan kayo pupunta?"
Napapahid muna ng pawis ang isa bago nakapagsalita,"Señyora 'wag ni'yo sana masamain, pero tsismis ho rito sa bayan na unti-unti ng nalulugmok sa utang ang inyong Ama. Nakakapagtaka rin ho na hindi na nakakapagsaka sa lupain niya. Balita raw ho eh binenta na ito. Ang sabi naman ng iba ay kinuha na ito ng isang kaibigan niya na tunay na nagmamay-ari ng lupa."
"Wala na pong pinagkakakitaan ang inyong Ama. Wala na siyang maipapasahod sa amin," sambit ng isa pang kasambahay.
"Teka, pakiusap 'wag na muna kayong umalis. May mga alahas ako maaari kong isangla iyon para pansamantalang ipasahod sa inyo." Pagmamakaawa ko.
Nagtinginan naman silang dalawa bago nagsalita,"Ah eh may mas malaki pong oportunidad sa Maynila. Bali-balita po na nais magdagdag ng kasambahay ang Pamilya Buencarmino dahil magkakanak na ang unico ijo ng kanilang pamilya. Mataas na pasahod daw ho ang kapalit ng paninilbihan." Natigilan naman ako sa binanggit nila.
"Sayang nga lang napakagwapo pa naman ng binatang iyon. Hindi ho ba kaibigan ni'yo iyon?" pag-usisa nilang dalawa.
"Ah O-o," pautal kong sabi sabay yuko.
"Ngunit kahit na, makita lamang siya ay ayos na kahit na may anak na." Agad naman silang kinilig na dalawa.
"Ipagpasensiya niyo po ang aming kapusukan Señora mauuna na ho kami." Hindi ko na sila pinigilan pa. Ano bang magagawa ko unti-unti ng nalulugmok ang aming pamilya ng dahil sa sa sarili kong kagagawan.
BINABASA MO ANG
Take Me Back in Time #Wattys2019Winner
Historical Fiction"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover her past, as her family decide to move to their hometown in Legazpi. It is a tranquil rural place, w...