Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Araw na maituturing kong pinakamasakit na halos isumpa ko na.Karamihan sa atin ay ayaw ng pagbabago, mahirap ang humiwalay sa isang bagay na nakagisnan. Ngunit itinuturing ko nalang ang pagbabagong ito bilang isang positibong konotasyon na magdadala ng pagpapabuti sa'kin. Gano'n naman talaga 'di ba? Kailangan nating harapin ang mga bagay na magbibigay ng hindi komportableng pakiramdam, dito kasi natin nasusukat ang abilidad at kakayahan ng ating sarili.
Malungkot kong tinugon ang malapit kong kaibigan, "Oo Clair, mamimiss din kita."
Napabuntong hininga ako bago ibinaba ang phone.
Ilang segundo akong natulala itong k'wartong kinalakihan ko mula pagkabata, iiwan ko na. Lahat ng memorya; masaya at malungkot ay nandito. Naaalala ko pa kung pa'no ko tinatakot ni kuya rito na kung hindi ako matutulog, may lalabas na mumu sa cabinet. Nakakamiss.
Mamimiss kita k'warto, kama, ang amoy at simoy ng hangin ng k'wartong ito, lahat mamimiss ko.
"Bunso! Baba na aalis na," sigaw ni Kuya Rheden mula sa baba.
Kinuha ko na ang maleta at case na naglalaman ng 10 million pesos na fake money. Bumaba na'ko at naglakad palabas.
"Nak, kanina ka pa namin hinihintay tara na at baka matraffic pa tayo," saad ni mama sabay bitbit na ng mga maleta.
***
Nang makadating na kami sa terminal parang maluluha na'ko.
"Ma, 'wag na tayo umalis. Pangako 'di na'ko uuwi ng late. Di na'ko gagastos ibubudget ko yung baon ko. Hindi na'ko magcoconcert sa banyo," pagmamakaawa ko kay mama.
"Nak, pagod na kami magbayad ng renta sa bahay dito sa Maynila. Sa Legazpi may sarili tayong bahay. Pamana pa 'yon ng lola mo sa papa mo," saad niya at hinawi ang mga buhok ko at sandali akong niyakap.
I release a deep sigh buti pa si kuya walang problema. Wala naman na 'kong magagawa. Wala akong ibang pagpipilian, kundi ang iwan ang lugar na nakagisnan ko. A parent knows best naman 'di ba? Pero sana alam din nila kung saan ako mas masaya.
Bago kami sumakay bumulong ako, "Au revoir" (goodbye until we meet again) mamimiss ko 'tong lugar na 'to.
Hinanap na namin ang upuan namin sa bus. Nag-away pa kami ni kuya.
"Ako sa may bintana," sagot ko."Ako sa may bintana, baka mauntog ka pa diyan, ang clumsy mo pa naman magkabukol ka pa."
Agad ko namang hinarangan ang upuan.
"Okay lang tagal-tagal ko ng 'di nagkakabukol namimiss ko na magkaroon." Akmang uupo na ako nang pigilan ako ni kuya.
"Ako sa bintana," sambit ko nang may diin.
Napabuntong hininga naman siya, "Ako!" sambit niya nang pasigaw. Hanggang sa...
"Ako!"
"Ako nga!"
"Ako eh!"
"Ako ah!"
Mukhang hindi talaga papatalo si kuya, "Edi ikaw na!" sambit ko at napabusangot.
"Ayie! ang sweet ni bunso." Hinalikan niya ako sa noo at nakangiting umupo.
Pero kung siniswerte ka nga naman, parating na si mama at agad niyang pinigilan si kuya, "Hephep! Nako Danic hah. Ikaw ang nakakatanda hindi ba dapat ikaw ang nagpaparaya?" pangaral nito kay kuya na agad napasimangot.
Abot langit naman ang ngiti ko.
"At dahil Mama ni'yo ako at ako ang masusunod. Ako sa bintana," saad niya sabay umupo.
BINABASA MO ANG
Take Me Back in Time #Wattys2019Winner
Ficción histórica"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover her past, as her family decide to move to their hometown in Legazpi. It is a tranquil rural place, w...