Kabanata 30

3.2K 154 7
                                    


"Marina," halos bulong ko nang sabi.

Nakatulala lang siya sa'kin at nang mahimasmasan ay dahan-dahan niya kong inalalayan pababa, may pagmamadali niyang isinara ang bukasan.

Namamaga ang mukha ni Marina. Puno rin ng galos ang kaniyang balikat at may mangilan-ngilan din siyang pasa sa mukha. Magulo ang kan'yang buhok. Halos maiyak ako sa awa at sakit na kaniyang nararamdaman.

"Fely," ani niya at yumakap sa'kin at humagulhol.

Parang nawawasak naman ang puso ko habang naririnig ang pag-iyak niya.

Niyakap ko rin siya pabalik. Mga limang minuto rin nagtagal ang pagyakap at paghagulhol niya sa balikat ko.

"Marina, anong nangyayari?" nagpahid muna siya ng luha bago nagsalita.

"Fely, may matinding galit sayo si Sita."

Tumahimik ako para abangan ang susunod niyang sasabihin, pero napahawak lang siya sa kan'yang sentido at unti-unting nawalan ng balanse. Agad ko naman siyang inalalayan paupo sa bangko at kumuha ng tubig na mula sa lamesang nasa tabi ko lang.

"Hindi ko maintindihan, wala naman kaming matinding pinagtalunan?" sambit ko pagkatapos niyang uminom ng tubig.

Tinapik niya ang espasyo sa kan'yang tabi, agad naman akong umupo sa p'westong iyon.

"May usapan kayong dalawa patungkol kay Rheden. Ilalakad mo siya sa iyong kuya ngunit nalaman niyang magkasintahan na kami. Matagal na rin pala niyo iyong napag-usapan simula pagkabata pa," tumigil siya saglit bago nagsalita muli, "Kaya iniipit niya ang aking pinsan si Nacio para pahirapan at saktan ka. Hindi naman makatanggi ang aking pinsan dahil sa oras na tumangi siya sa gustong mangyari ni Sita ay ibubuko niya ang pag-iibigan niyong dalawa at malalaman ni General Mcdermott na siyang ikagigipit ng inyong pamilya."

Napaubo si Marina at sa 'di malamang dahilan ay agad kong kinapa ang noo niya, para tingnan kung may sakit ba siya.

"Jusko, Marina nag-aapoy ka sa lagnat."

Sinamahan ko siya sa isang higaan na kahoy at inihiga ko siya ng dahan-dahan.

"Fely," pabulong na sabi niya.

"Marina, itatakas kita rito 'wag kang mag-alala," halos maiiyak ko ng sabi habang kinukumutan siya. Panay naman ang pag-aray niya, dahil sa natatamaan ng kahoy na higaan ang kanyang mga galos.

"Fe-ly, sa silid ni Sita naroon ang ibidensiya ang sulat na dapat ipapahatid ng aking pinsan bago kami umalis. Iyon lamang ang tanging paraan para matigil ito." 

"Marina maghintay ka lang dito at kukuha ako ng medisina para sa lagnat at mga galos mo."

Tatayo na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Hindi maaari, Fely kung makikita ng kasambahay nila Sita ang itatapal mo sa aking sugat ay maaring magtaka siya."

Napabuntong hininga naman ako at nag-isip pa ng paraan habang wala pang katao-tao rito sa bahay

"Magdadala na lamang ako ng gamot, para humupa kahit papaano ang lagnat mo." Nginitian niya naman ako at nagpasalamat. 

Dahan-dahan akong umakyat sa hagdanang gawa sa kahoy. Habang nagpapakiramdam sa paligid, kung may paparating. Nakahinga naman ako nang maluwag ng wala akong narinig na mga yapak.

Pagkalabas ng k'warto ay agad akong nagmadaling pumunta sa silid ko may mga medisina kasing inilagay sa tabi ng pagkain ko si Leonora kaganina, dahil sa pag-aakalang masama ang pakiramdam ko kung kaya't hindi ako makakasama sa pagsasalo.

Kumuha na rin ako ng bimpo at isang baso ng tubig at agad na bumalik.

Dahan-dahan kong clinip muli ang pintuan at isinarado ito.

Nang makababa sa silid ni Marina ay agad ko siyang ginising.

"Heto, ngunit kumain ka muna, para makainom kana ng gamot."

Dahil na rin sa mga galos niya ay nahihirapang makagalaw si Marina. Kaya ako na mismo ang nagboluntaryong subuan siya ng pagkain.

Nakakatatlong subo pa lamang ay ayaw na niya.

"Marina kailangan mong magpalakas, hayaan mo at bukas na bukas ay isasama ko si Kuya Rheden rito. Para mas ganahan kang kumain." Sabay hagikhik ko para mapagaan ang loob niya. Hindi naman ako nabigo dahil unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha niya. Ngunit unti-unti rin itong nabura.

"Napakapangit ko na, malamang mas pipiliin niya na si Sita kaysa sa akin. Tutal ito naman ang layunin ni Sita, gusto niyang pandirihan at layuan ako ng iyong kapatid." Pinunasan ko agad ang luhang pumatak sa pisngi ni Marina ng hindi niya namamalayan.

"Kilala ko ang aking kapatid at alam kong hindi siya tumitingin sa panlabas na kaanyuan kundi sa kabutihan ng loob," saad ko, may patak na rin ng luha na dumaloy sa pisngi ko na agad kong pinunasan.

"Marina, maganda ka sa panlabas at panloob at dahil doon napa-ibig mo ang aking kuya." Ngumiti naman siya at agad akong niyakap na nagtagal rin ng ilang segundo. Pagkatapos noon ay pinainom ko na siya ng gamot. At pinahidan nang dahan-dahan ang katawan niya gamit ang basang bimpo, para kahit papaano ay bumaba ang tempuratura ng lagnat niya.

"Babalik ako bukas at ngayon ko susubukang kunin ang liham."

"Mag-iingat ka Felicita," saad niya bago tuluyang napapikit. Maingat ko namang ang kinumutan ang katawan niyang puno ng galos.

Dahan-dahan kong isinara muli ang pinto at nagmasid muna at nakiramdam sa paligid pagkatapos ay bumalik na sa aking silid.

Nadatnan ko agad si Leonora na inaayos ang pagkaing iniwan niya kanina.

"Señorita, kaganina ko pa ho kayo hinahanap, hindi niyo po ginalaw ang inyong pagkain-" Napatigil siya sa pagsasalita ng agad kong hawakan ang kamay niya.

"Leonora tama ang kutob ko sa pintong nais nating buksan kagabi." 

"Nakasisiguro po ba kayo?"

"Oo, makinig ka Leonora maaari mo ba akong samahan sa silid ni Sita?" Agad siyang napabitaw sa pagkakahawak ko sa kamay niya at nagkamot ng kan'yang batok.

"Nako Señorita eh nalaman po kasi ng inyong ina ang kaganapan kagabi at ng malaman niyang naroon rin ako, ako po ang napagsabihan," ani niya at yumuko.

"Leonora, ngayon na lamang ito, maniwala ka man sa hindi ay may masamang balak si Sita sa akin."

"Pero hindi ho ba matalik kayong magkaibigan?"

Muli kong hinawakan ang kamay niya.

"Ang oras ay nahahati sa dalawang yugto. Ang ngayon at ang kahapon. Ang pagkakaibigan namin ay mananatili na lamang sa kahapon at nakaraan na hindi na maaaring maibalik pa sa kasalukuyan. Sapagka't hindi lahat ng itinuturing mong kaibigan ay magiging tapat sa'yo maaaring sa pagtakbo ng oras ay magbago ito. Leonora, sa ngayon ikaw ang isa sa mga itinuturing kong kaibigan at nanaisin kong makasama ka pa hanggang bukas dahil ang bukas ay hindi natatapos. Makakaasa ba ko sa katapatan mo?"

Humawak siya sa isa ko pang kamay at tinitigan ako.

"Makakaasa ka Fely."

--

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon