Kabanata 46

3K 118 5
                                    


Sa isang iglap lang napunta sa kanilang mag-ina ang atensyon ng lahat.

"Ayan andito ang hinahanap mo. Ang pamilya Solon," sambit ng mangingisdang pinagtanungan ng lalaki.

Tumabi naman ang iba para mapagbigyang daan ang mga turista papunta sa kinaroroonan nila Felicita.

Napangiti nalang ang lalaki nang masilayan ang mag-ina, habang naestwa naman sa kaniyang kinatatayuan si Felicita.

Walang ibang lumalabas sa bibig niya, kahit pilitin man niyang magsalita.

Sinuklian naman ng ngiti ni Rosella ang lalaki.

Ilang sandali pa ay hindi na namalayan ni Felicita na magkalapit na sila.

Nahanap na sana niya ang boses para makapagsalita nang bigla nalang siya nitong yakapin. Napakahigpit nito at animo'y ayaw nang humiwalay.

"Mahal," ang tanging lumabas na salita kay Nacio. Kitang-kita sa mukha niya ang labis na pagkagalak sa muli nilang pagkikita ng kasintahan.

Naalala niya pa kung gaano siya kasaya nang matangap ang liham, apat na buwan na ang nakalipas. Liham na nagsasabing sinasagot na siya ni Felicita.

"N-acio."

Tinugon din ni Felicita ang mahigpit na yakap.

"Hindi ka nagsabing ngayon ang uwi mo. Isang buwan ka na ring hindi sumusulat alam mo namang minsan lang ako makapagpadala," tila maiiyak na sabi ni Felicita. Humiwalay na siya sa pagkakayakap at hinampas sa braso si Nacio.

Agad namang hinawakan ni Nacio ang magkabilang pisngi ni Felicita at pinunasan gamit ang daliri niya ang mga luha na nagbabadyang tumulo.

"Napakaswerte naman talaga ni Felicita, aguy!"

Natauhan nalang silang dalawa nang marinig ang mga tao na kanina pa tutok na tutok sa kanila.

"Ang mabuti pa ay tumuloy na muna tayo sa tahanan," singit ni Rosella. Agad din siyang binati ni Nacio at nagmano.

"Mabuti pa nga ho."

"Ehem, ehem." Agad na napadako ang tingin nila sa babaeng kasama ni Nacio. Napakaputi nito at kulot ang buhok.

"Siya nga pala ang aking kamag-aral sa arkitektura si Lucila. Kailangan naming tumulong sa isang proyekto, kaya't napauwi kami rito ng 'di oras," saad ni Nacio. Hinawakan naman ni Lucila ang braso nito.

"Magandang umaga ho." Aalisin sana ni Nacio ang kaniyang braso sa pagkakahawak ni Lucila ngunit agad din itong nagsalita. "Napakalubak ng daan dito at lumulubog din ang sapatos ko sa buhangin. Maaari bang humawak muna?"

Wala namang nagawa si Nacio kundi tumango-tango nalang.

"Magandang umaga rin. Pasensya na hindi pa kasi gano'n ka sementado ang lugar dito. Asahan mo rin na maputik ang daan papunta sa aming tahanan. Ang mabuti pa alalayan ka muna ni Nacio. Kinagagalak kong makilala ka," sambit ni Felicita at naglahad ng kamay.

Kinuha naman iyon ni Lucila at nakipagpalitan ng ngiti.

"Pagpasensyahan niyo lang ang aming tahanan. Maliit lang iyon kasya lang halos ang apat na tao. Tamang-tama rin at magsisigang ako ngayon. Do'n na kayo magtanghalian," saad ni Rosella at nauna na sila sa paglalakad habang nasa likod naman nila sila Nacio.

***

"Napakasarap po, Señora," saad ni Nacio habang humihigop ng mainit na sabaw.

Sumang-ayon naman si Lucila na nasa tabi lang ni Nacio.

"Oo, naman masarap talagang magluto si Rosella kaya nga labis akong humanga noon sa kaniya. Lahat na siguro ng gawain ay kayang-kaya niya," sambit ni Florentino.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon