Kabanata 24

3.8K 157 2
                                    


Andito na kami ngayon sa reception. Abala pa sila mama makipagbeso at makipagusap sa iba naming kamag-anak. Ito naman kami ni kuya nakaupo na sa table namin.

Halata naman kay kuyang nakabusangot na, bored na bored na siya.

"Kuya, kumusta si Ate Aries?" sambit ko.

Napahinga naman siya nang malalim, "Ayon may pasok sila ngayon, balak pa naman namin magkita kaso bukas na tayo uuwi."

Kung anong lungkot nang sabihin niya na uuwi na kami ay anong saya ko naman. Salamat at makakauwi na rin. Isang araw at kalahati palang kami rito pero feeling ko ang tagal-tagal na.

Nasasabik na'kong makita ang sila Inang, Rosella, 'Tay Florentino, Kuya Rheden at sila Nacio.

Napuno ng kasiyahan ang okasyon. Naging reunion ito ng bawat pamilya. Maririnig rin ang walang tigil na k'wentuhan at tawanan dito sa venue.

Ilang sandali pa nagflash na ang powerpoint presentation ng ikinasal. Matagal ding nagsama sila Tita Selina at Tito Manuel at ngayon sa wakas ikinasal na rin sila.

May isang bagay lang na napaka pamilyar sa pakiramdam sa loob ng simbahan kanina, sa San Agustin-isang pakiramdam na napakabigat na hindi ko maipaliwanag. May kaugnayan kaya iyon sa nakaraan?

"Tulala ka na naman bunso," singit ni kuya sabay akbay sa'kin at hila para kumuha ng dessert.

Kumuha ako ng tatlong pirasong blueberry cheese cake, kasing laki lang ito ng brownies.

"'Yan na naman kinuha mo. Siguradong magkakalbm ka na talaga niyan bunsoy," pang-asar ni kuya.

Hindi ko nalang siya pinansin at agad na kinagatan nang malaki ang cheese cake.

"Cr lang ako bunso," sabay tayo na ni Kuya Danic.

"Mukhang ikaw ata 'tong maglalabas ng sama ng loob kuya eh," sabay halakhak ko sa kan'ya.

Hindi naman niya ako pinansin at mukhang nagmamadali na siya papuntang cr. Ayan siya pala ang magkakasakit sa tiyan.

Nalungkot naman ako. Ako na lang kasi ang naiwan dito sa table namin dahil may kaniya-kaniyang kausap sila mama.

Naubos ko na nga lang ang tatlong piraso, pero wala pa rin si kuya.

Napatingin nalang ako ng biglang may umurong na upuan sa tabi ko at umupo do'n ang isang lalaki na nasa 20 na siguro. Maputi, may katangusan at maninipis ang labi.

"Hi Deane," pagbati niya at inilahad ang kamay niya sa'kin.

Inabot ko naman 'yon nang may pag-aalinlangan, dahil 'di ko naman siya kilala pero alam niya ang pangalan ko.

"Nagtataka ka siguro kung bakit ko alam ang pangalan mo no? Ako nga pala si Ian Mcdermott."

Ian? Napakunot agad ang noo ko at kung hindi ako nagkakamali...

Ian Mcdermott din ang nabangit na pangalan ni Clair sa lalaking nagkagusto sa kan'ya at suspect namin. Teka? Mcdermott?!

Nanlaki bigla ang mata ko.

Tinitigan ko lang siya nang maigi at may bahid na ng pagtataka sa mukha niya. Kamukha nga niya si George hindi ko nga lang masyado napansin kanina dahil sa lightning at tanging ang kandila lang sa table namin ang nagbibigay ng kaunting liwanag.

Ang kaibahan lang siguro sa kanilang dalawa ay itim ang buhok ni Ian at may nunal siya sa baba kaliwang bahagi ng mata niya. Mas manipis din ng konti ang labi niya. P'wera do'n ay magkamukang-magkamukha na sila.

"May problema ba Deane?" May pagtatakang sambit niya.

"Ah-eh wala, sige mag si cr lang ako,"
Nagmamadali na 'kong tumayo.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon