Lumapit sa kaniya si kuya."Oo nga naniniwala na'ko sa himala, hindi pa naman lumalabas itong si Fely," sambit ni kuya
Tila napatawa naman nang kaunti ang lalaking nakita ko noon sa kaarawan ni Lola Ayla. Ang hindi ko lang mawari kung bakit tila nag-aagawan sa pag pintig ang aking puso.
"Ayon kasi sa librong pang medisinang nabasa ko mas nakakabuti ang lumabas at mag-ehersisyo," pagpapalusot ko.
"Ganoon ba? Aba dapat pala eh, araw-arawin natin ang pag-eehersisyo," sambit niya, ngunit agad naman siyang tiningnan ng masama ni kuya Rheden.
"Nako, biro lamang, mabuti pa ay mangisda na tayo." Tumingin sa akin si kuya nang payag-ka-ba-look. Pero umiling lang ako takot ako sa isdang buhay at gumagalaw pa. Ayos na'ko sa panonuod.
"Tara na Nacio," sambit ni kuya.
"Hindi ba sasama si Fely?" bulong nito kay kuya na narinig ko naman. Umiling lang si kuya bilang tugon sa kanya.
"Hindi ka ba mag-eehersisyo Felicita?" tanong naman nito sa akin.
Agad naman tinakpan ni kuya ang mukha ni Nacio at pinalingon na ito sa dagat. Natawa nalang ako.
***
Umupo ako sa may ilalim ng puno. Magdadapit hapon na mga ganitong oras maraming makukuhang isda lalo na tuwing gabi.
Mag-iisang oras na ang nakakalipas, pero wala pa ring nahuhuli sila kuya. Tuwing makakakuha sila ay laging nakakawala.
Ilang sandali pa biglang gumalaw ang pangbingwit ni Nacio at agad niya naman itong hinila. Tinulungan na rin siya ni kuya mukhang malaki ang nabingwit niya.
Sumilay ang pag-asa sa mukha ni kuya. Sa wakas makakahuli na rin sila. Ilang sandali pa ay nahuli na nila ito. Hindi kalakihan pero p'wede na rin. Isang tilapia. Sunod-sunod na rin ang mga huli nila pagkatapos no'n dahil na rin siguro maggagabi na.
Halos tatlong baldeng punong-puno ng isda ang nahuli nila. Hanggang sa nag-aya ng umuwi sila kuya. Sumabay saamin si Nacio para tulungan si kuya sa mga bitbit na isda hanggang sa mailagay na ito sa kalesa.
***
Nasa tapat na kami ng bahay, gusto ko man silang tulungan ngunit tinatanggihan lang ni Nacio.
"Ako na masyadong mabigat ito Fely," sambit niya.
"Kaya ko iyan, hindi mo ba nakikita ang libo-libong taba at dugo na dumadaloy sa'kin. Ito ang nagiging lakas ko," sambit ko sabay pakita ng bisig ko na ikinagulat niya at nag-iwas ng tingin.
"Fely napakamaloko mo talaga," natatawang sabi niya.
Kinuha niya nalang ang dala kong timba na inagaw ko kay kuya kanina. Nagdaplis ang mga kamay namin napatingin siya sa akin pero pinutol rin 'yun nang pag-utos na ni kuyang pumasok sa loob.
Sinalubong kami ni ama.
"Oh Nacio andito ka pala, dito kana mag panagabihan," sambit ni ama.
Tumango si Nacio bilang pag sang- ayon. Nagbigay galang rin ito kay ama gamit ang pagmano."Magandang gabi po Señor Florentino, hindi ko matatangihan ang alok niyo. Maraming salamat ho sa paanyaya."
Pumasok na kami sabay-sabay, dumiretso ako sa may kusina. Habang sila Nacio naman ay sa sala, nagkwekwentuhan sila nila ama.
Habang ako naman ang tumulong kay Inang Rosella sa pagluluto. Niluto namin ito sa iba't-ibang paraan mayroong prito, sinabawan at may sarsa. Ang ilan naman ay pinaksiw, at sinigang. Ilang tagapagsilbi rin ang tumulong sa amin sa paghahain nito.

BINABASA MO ANG
Take Me Back in Time #Wattys2019Winner
Historical Fiction"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover her past, as her family decide to move to their hometown in Legazpi. It is a tranquil rural place, w...