Pagkalipas ng anim na taon - ang malayang Pilipinas.Sa bayan ng San Rafael isang oras at kalahati ang layo sa Maynila malayo sa urbanisasyon, may dalawang batang nagpapalipad ng saranggola.
Sila ay nasa ilalim ng silong ng mga dahon ng isang puno. Ilang minuto palang nakakalipad ang saranggola ng batang babae nang bumaba na kaagad ito, at napunta sa sangga ng puno.
"Naciano, kunin mo nga hindi ko maabot," saad ng batang babae.
Parehas silang limang taong gulang ngunit mas matanda ang batang babae ng ilang buwan.
Napabuntong hininga naman si Naciano, "Oh Mariana, hawakan mo muna 'tong saranggola ko," tugon nito sa batang babae.
Nagtagumpay naman sa pagsungkit sa saranggola si Naciano. Mabuti na lang at may mga ilang sanggang nagkalat sa paligid nagamit niya ito para kunin ang saranggola.
Tuwang-tuwa naman si Mariana, dahil nakuha kaagad ni Naciano ang saranggola, "The best talaga ikaw!" saad nito sa batang lalaki.
"Mga bata kain na muna," sambit ng isang babae may dala-dala itong mga pagkain sa isang basket.
"Dito na si nanay! Dito na pagkain," sambit ni Mariana at napapalakpak.
Napangiti nalang si Felicita at hinagkan sa noo ang dalawang bata. Nang matapos silang kumain ay kaagad na pinaalalahanan ni Felicita si Mariana sa kanilang pag-alis, "Aalis na tayo mamayang hapon, 'wag ka nang iiyak babalik din naman tayo rito."
Nalungkot kaagad si Mariana nang marinig ito, ngunit kaagad niya namang naintindihan ang nanay. Sabi rin sa kaniya nito, ay may premyo siya kapag hindi siya umiyak.
Kinahapunan ay naging abala na sa pag-eempake ng gamit si Felicita. Natatagalan nga lang ang paggalaw niya dahil minut-minuto siyang napapatulala.
Ayaw niya nang ganitong pakiramdam. Bumabalik kasi ang mga alaala sa kaniya anim na taon na ang nakalipas. Ang mga pangyayaring itinuturing niyang pinakamadilim na parte ng kaniyang buhay.
Anim na taong nakaraan.
Bago maideklarang open city ang Maynila para hindi ito atakihin ng mga Hapon ay kaagad nang nakaalis sila Felicita rito.
Malupit ang mga hapones 'yon lang ang tangi niyang masasabi. Kahit dineklarang open city ang Maynila ay patuloy na inatake pa rin ito ng mga mananakop. Maraming sibilyan ang pinagpapatay at maraming kababaihan ang nagkaro'n nang malupit na karanasan sa kamay ng mga hapon.
Isang madilim na kabanata ito para sa mga Pilipino.
Sa pagtakas nila sa Maynila no'n ay hindi niya na kasama ang kapatid at si Nacio. Masakit man para sa kaniya, ngunit nais ng dalawa na tumulong sa hukbo ng militarya sa pagbabantay ng Maynila. Naiwan din do'n si Clark at Ricardo.
Hindi niya no'n makakalimutan ang huling gabing kasama niya si Nacio. Ang huling mga sandali, na itatago at habang buhay niyang dadalhin sa kaniyang puso.
Nasa bakuran sila ni Nacio, nakaupo habang dinaramdam ang malamig at payapang gabi. Maraming kuliglig ang maririnig sa paligid, sabi nila 'pag nakarinig ka raw ng kuliglig sa oras na lagpas sa ala-siyete ng gabi ay s'werte raw ito.
Sa panahong 'yon gustong-gustong maniwala ni Felicita roon kahit hindi naman siya madalas maniwala sa mga sabi-sabi.
Lumuluha siya no'n at hindi mapalagay ang kalooban. Bukod kasi sa inaalala niya ang kalagayan ng kapatid ay kailangan din nilang umalis. Ano mang pilit niya sa kapatid at kasintahan na manatili kasama sila ay hindi nila sinang-ayunan ito, dahil sa kapamahakan na maaaring maganap.
BINABASA MO ANG
Take Me Back in Time #Wattys2019Winner
Historische fictie"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover her past, as her family decide to move to their hometown in Legazpi. It is a tranquil rural place, w...